Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: Dangal

00 kuwentoMatagal nang tulo-laway sa kaseksihan ni Vanessa ang kapit-kuwarto niyang si Loloy. Kita niya sa mga mata nito ang ma-sidhing pagnanasa sa kanyang katawan. Laging nakabantay sa bawa’t mga pagkilos niya. Alam niya na madalas siyang pagpantasyahan ng binatang tricycle boy dahil manipis na plywood lang ang pagitan ng kanilang mga silid, at hindi miminsan niyang nahuli sa aktong binobosohan siya nito sa binutas na dingding.

Babaing bayaran si Vanessa. Hawak siya ng isang bading na bugaw na may mga alagang batambatang kababaihan. Sa halagang isang libo at limang daang piso ay tumitihaya siya sa mga kalalakihan na kanyang nagiging parokyano. Isang libong piso lang ang napapasakamay niya dahil ang limangdaan ay komisyon ng kanyang “booker.”

Hindi naman siya masyadong mapili sa lalaking makaka-partner niya sa kama. At ang totoo, sa mga panahong gipit na gipit siya sa pera ay nawawala ang selan niya sa lalaking sisiping sa kanya. Kumbaga’y nagpipikit-mata na lang siya. Pero kahit magbayad man sa kanya si Loloy ay baka hindi niya masikmura. Maaskad na nga ang mukha nito ay bukbukin pa, laging amoy-pawis, nagtututong sa libag ang batok at jacket na gamit sa pamamasada ng traysikel, magrasa ang mga kamay at nangingitim pa sa dumi ang mahahabang kuko sa daliri.

Isang madaling-araw, pag-uwi ni Vanessa ay dinatnan niya si Loloy na nakatayo sa bungad ng pintuan ng inookupahan nitong silid. Dahil halos magkadikit nga ang kanilang tirahan at magkatabi lamang ang kanilang mga pintuan. “Hi, Va-nessa!” ang bati sa kanya ng binata na amoy alak. Bahagyang ngiti lang ang iginanti niya. Pero nang aktong papasok na siya sa inuuwiang silid-paupahan ay walang sabi-sabi nitong hinila ang kamay niya, mabilisan siyang tinutukan ng kutsilyo sa lalamunan at kinaladkad paloob sa sariling kuwarto. (Itutuloy)

 

ni REY ATALIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …