Mahina ang intel ni Mison vs Korean Syndicate
hataw tabloid
January 28, 2015
Bulabugin
Kung mayroon man daw dapat pagtuunan ng pansin o imbestigahan si Immigration Commissioner FRED MISON (kaysa pag-isipan ang maarte at maluhong Christmas presentation) ay kaso ng sinasabing miyembro ng Korean syndicate na si CHOUNG HUN JUNG o mas kilala sa pangalang PATRICK JUNG.
Si Choung Hun Jung o Patrick Jung ang sinasabing protector ng ilang Korean fugitives sa ating bansa.
Ang raket ni Jung ay magbigay ng proteksiyon sa mga Koreanong miyembro ng sindikato at ang iba naman ay may negosyong illegal na gaya ng online gaming at casino financing at money laundering sa Resorts World at Solaire Resort and Casino.
Wala umanong legal na negosyo sa Pilipinas at wala rin legal na visa si Patrick Jung. Ang isang talent pa nito ay dumikit sa ilang law enforcers gaya ng NBI, PNP at maging sa ilang tulisan sa Immigration kaya malaya siyang nakagagalaw nang walang alinlangan!
Madalas rin siyang nakikita at lumitaw na negosyador sa mga nahuhuling illegal na Koreano kaya masasabi nating bukod sa pagiging high risk, si Choung Hun Jung or Patrick Jung ay bad influence sa mga nasabing ahensiya ng gobyerno.
Mas mainam siguro kung pa-isyuhan agad ng Mission Order ni Mison ang nasabing Koreano at ipa-deport agad nang hindi na makapaminsala pa sa ating bansa!
Pero sino naman ang umuugong na partner in-crime nitong si Patrick Jung sa Bureau of Immigration? Balitang napakaraming transaksiyones ang pinagsamahan at na-materialize ng dalawang kamote?!
Comm. Mison, ngayon mo ipakita na may Intelligence ka, para alamin kung sino ang sinasabing kasabwat ni Patrick Jung sa ahensiyang iyong pinamumunuan!
Pagkatapos mong malaman kung sino ang sinasabing accomplice, isunod mo agad na ipa-lifestyle check ang mokong na ‘yan!
‘Yan ay kung may Intelligence ka talaga Sir!?