ni James Ty III
NAKUHA ng Emilio Aguinaldo College ang kaunaunahang titulo sa men’s volleyball ng NCAA Season 90 pagkatapos na padapain nito ang College of St. Benilde, 25-21 23-25, 25-19, 25-20, noong Lunes sa Game 3 ng finals sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.
Humataw si Howard Mojica ng 28 puntos upang dalhin ang Generals sa ikalawang sunod na panalo sa best-of-three finals pagkatapos na manalo ang Blazers sa Game 1.
“Our hardwork finally paid off,” wika ni EAC coach Rod Palmero.
Natalo ang EAC kontra Perpetual Help noong isang taon.
Napili si Mojica bilang Finals MVP bukod sa kanyang pagiging MVP ng torneo.
Naunang nagkampeon ang Arellano University sa women’s division at Perpetual sa juniors.