Kinalap ni Tracy Cabrera
IBINUNYAG kamakailan ng British welterweight na si Amir Khan ang posibilidad na makaharap niya sa ibabaw ng ring ang kaibigan niyang si Manny Pacquiao matapos makapulong ang dating sparring partner nitong nakaraang linggo.
Nagsanay si Khan kasama si Pacquiao nang ilang taon sa ilalim ng kanyang mentor na si Freddie Roach at sinabi niya dati na hindi sila maghaharap sa laban ng kanyang kaibigan.
Ngunit sa kabila ng mainit nilang pagkakaibigan, bukas ang dalawa sa isang sagupaan kasunod ng kanilang get-together sa Fitzroy Lodge boxing club sa London.
“It was great seeing Manny again as it’s been a while since we last met up,” wika ni Khan sa Ingles.
“He’s a good friend,” dagdag niya.
Pero kahit magkaibigan, mayroon naman daw magandang dahilan para posible silang magharap.
“I want to fight the biggest and best names out there and Manny is definitely among them,” katuwiran ni Khan.
Naging bukas sina Khan at Pacquiao sa pagnanais nilang makalaban ang world’s top fighter na si Floyd Mayweather Jr., dangan nga lang ay wala pang ba-litang magkokompirma rito, partikular na ang inaasahang mega-fight nina Mayweather at ng People’s Champ.
Kung ihahambing mas bata si Khan kay Pacman nang walong taon at pinakamagandang performance na kanyang naitala ang landslide decision victory kontra kay Devon Alexander ng Estados Unidos noong Disyembre.
Sa kabilang dako, si Pacquiao naman ay sinasabing lumampas na sa kanyang ‘peak’ pero nananatili pa ring pinaka-atraktibong boksingero para labanan sa ngayon.
“Yes, there’s a big possibility, nothing personal, we’re just doing our job in the ring,” pahayag ni Khan sa Sky Sports News.
“It’s not difficult for us because we res-pect each other,” pahabol ng British boxer.