Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amazing: Lego braille printer naimbento ng binatilyo  

012815 braille lego printer

083014 AMAZINGPINANINIWALAANG ang isang 13-anyos American boy ang pinakabatang entrepreneur na tumanggap ng venture capital makaraan maimbento niya ang Braille printer gamit ang Lego.

Bilang patunay na ang Silicon Valley wonder kids ay pabata nang pabata, nakaisip ng ideya si Shubham Banerjee makaraan itanong sa kanyang mga magulang kung paano nakababasa ang mga bulag.

Ipinayo ng mga magulang sa California eight-grader na hanapin ang sagot sa Google at mula noon ay bumasa na siya ng kaugnay sa Braille, ang tactile writing system para sa mga bulag.

Nagulat siya nang mabatid na ang Braille printers ay nagkakahalaga ng $2,000 (£1,300), masyadong mahal para sa maraming developing world, at tumitimbang ng 20lb (9kg).

Bunsod nito, nagdesisyon si Shubham, ng Santa Clara, na magbuo nang mura at higit na magaan na printer bilang school science projet.

Naperpekto niya ang kanyang prototype, gamit ang Lego Mindstorms EV3 robotics kit, sa buong magdamag sa kanyang his kitchen table.

“I just thought that price should not be there,” pahayag niya sa AP news agency. “I know that there is a simpler way to do this.”

Nais ni Shubham na makapamahagi ng lightweight model sa halagang $350 lamang.

Inilunsad niya ang Braigo Labs – mula sa pinagsamang pangalan ng Braille and Lego – nitong summer para sa pag-develop sa kanyang ideya, sa pamamagitan ng $35,000 investment mula sa kanyang ama.

Nagpalabas na rin ang Tech giant Intel Corp ng hindi binanggit na halaga para sa pagpapasimula ng produksyon.

Sinabi niEdward Ross, director ng Inventor Platforms at Intel, “He’s solving a real problem, and he wants to go off and disrupt an existing industry.

“And that’s really what it’s all about.”

Layunin ng kompanya na magkaroon ng bersiyon ng printer para masubukan ng blind organization.

Ngunit maghihintay pa ang boardroom kay Shubham.

Ang teen prodigy ay napakabata pa para maging chief executive ng kanyang sariling kompanya, kaya ang kanyang ina muna ang mangangasiwa nito. (ORANGE QUIRKY NEWS)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …