Saturday , November 16 2024

5-anyos pinatay sa asin

ni Tracy Cabrera

012815 salt asin

NAGSIMULA kamakailan ang hindi kapani-paniwala’t nakalulungkot na kaso ng murder na dahan-dahang pinatay ng isang ina ang kanyang 5-taon-gulang anak sa pamamagitan ng asin at idinokumento pa ang unti-unti pagkamatay ng bata sa social media.

Kinasuhan si Lacey Spears, 27, ng Scottsville, Kentucky, na nagpresinta ng online sa kanyang sarili bilang debotong ina, ng ‘depraved murder’ at ‘manslaughter’ sa pagkamatay ng kanyang anak na si Garnett-Paul Spears may isang taon na ang nakalipas.

“Intensiyonal na pinakakain niya ang kanyang supling ng asin sa toxic levels,” pahayag ng prosecutor na si Doreen Lloyd sa arraignment ng Spears.

Tumaas ang sodium levels ng anak ni Spears nang walang medical na paliwanag hanggang mamaga ang kanyang utak at nakaranas ng kombulsiyon na humantong sa pagkamatay nito. Pinaniniwalaang ang kanyang single mother, na kasama niya sa hospital room sa Westchester Medical Center, ang siyang nagbigay sa kanya ng asin sa pamamagitan ng feeding tube.

Habang ginagawa ito, binibigyan din ng update ni Spears ang kanyang mga follower sa 28 online posting sa huling 11 araw ng buhay ng biktima, hanggang sa bawian ng buhay, “Garnett the great journeyed onward today at 10:20 a.m.”

“My Sweet Angel Is In The Hospital For The 23rd Time,” tweet pa ni Spears noong Nobyembre 9, 2009.

Sa rulings ng korte, ang mga mensahe ni Spears sa Facebook, Twitter at MySpace ay tinukoy na mahalaga at maaaring ipresinta bilang ebidensya, punto ni acting state Supreme Court Justice Robert Neary.

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *