Thursday , December 26 2024

Resignation daw ni John Sevilla putok na putok  na isyu sa Customs

00 Palipad hangin Arnold ataderoMIXED ang reaction ng mga taga-Customs sa napabalitang napipintong resignation ni Commissioner John P. Sevilla, isang mahigpit, competent and honest daw na official.

Isang kampo sa Bureau ang labis na natutuwa sa nasabing balita. Ito iyong  kampo na sa tingin nila labis silang naapi sa pagdating niya. Kasi raw sa ngalan ng reform, sinibak lahat ang mga district collector at itinapon sa isang opisina na mistulang pensionado.

Masyadong mahigpit sa attendance pero wala namang assignment. Floating sila sa madaling sabi.

May ilang sektor sa Bureau na marahil ay natutuwa pero mabibilang sa kamay nila ito. Ang katwiran nila, competent at honest si Sevilla. Pero hindi naman sapat lalo’t takot magtrabaho ang mga empleyado at maiintriga sila at sa kangkungan pa ang sasapitin.

Pero kahit anong higpit mo commissioner, may mga listo diyan sa loob na pilit gagawa ng datung  kahit sa pailalim na paraan. Sa dahilang ang bulok na sistema ay umiiral at marami na itong nilamon sa Bureau. Ang pagkakanal sa maraming opisyal ay temporary lang daw.

Things will go back to normal whatever that means. Lalo na kapag natuloy ka Commissioner.

May mangilan-ngilang reporma kang nagawa pero malayo sa inaasahan ng mga businessman na gusto ay corruption free, kotong free at talagang malinis na bureau. Isa itong panaginip sa ahensiyang tulad ng customs na balot ng corruption dahil sa dumi ng sistema at pamamalakad.

Sabi nga ng mga trader, it is the rotten system, stupid.

Kung ating tututukan ang P60-billion shortfall ng Sevilla administration sa loob lang ng one year and a half, ito ba ay isang success? Ito nga ay dahil imbedded na sa mga taga-bureau ang corruption. Nasa dugo na yata nila. Isa pa, hindi naman inaaksyonan ng Kongreso ang modernization bill ng Bureau. Iyon pa rin dating measure ang umiiral na balot na balot ng katiwalian.

Maraming natakot sa pagdating ni Sevilla. Pero hanggang doon lang ‘yun. Marami ang half-hazard ang trabaho lalo pa sa mga dating sanay kumita nang limpak-limpak. Marahil ang magiging send-off kay Sevilla kung siya ay matuloy sa paglisan ay GOOD RIDDANCE.

Ang balita natin magsa-submit na si Sevilla ng kanyang resignation kay PNoy through Secretary Cesar Purisima. Baka raw umaabot pa ng first quarter, puwede rin hindi na.

Isa raw iniiwasan ni Commissioner ay gamitin ang kanyang administration para mag-fund riaising campaign para sa mga candidate ng  Liberal Party. Tandaan natin na wala na ang source ng isang major corruption ng mga politician (senatong at tonggresman) – ang pork barrel na PDAP at DAP. Kahit pa sabihing nai-smuggle ang pork barrel sa 2015 budget hindi ba maglalakas loob ang DBM o sino man sa palasyo na basta galawin ito? Mas maraming magagaling na nakabantay lang sa mga tulisan sa administration party.

Technical malversation ito at kapag humigit sa P50-million, no bail.

Hindi naman pagagamit sa  Commissioner sa ano mang uri ng pandarambong sa revenue ng customs  para sa mga power broker na kating-kati na ang mga daliri sa paghihintay ng datung galing sa mga notorious smuggler na halos mga ding mukha rin.

Bakit ang laki ng shortfall sa kabila nang pagpapalit ng mga mukha.

Same dogs with a different collar? 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *