Sunday , November 17 2024

Maraming desmayado sa latest promotion ni Mison!

misonDESMAYADO na naman ang maraming empleyado at opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa ginawang promosyon ni Commissioner Siegfred Mison.

Dahil hindi deserving (umano) ang ilan sa mga nabiyayaang ma-promote, lumikha ng dibisyon ang hakbang na ito ni Mison sa hanay ng mga empleyado at iba pang opisyal.

Noong una umano ay inakala nilang “a man of reasons” si Mison kaya’t nagtiwala sila sa kanyang pagpapasya.

Pero nang maipatupad na ang promotion, nakupoooo!!!

Marami ang napamura (F*#*k u) at muntik nang malaglag sa kanilang kinauupuan.

Hindi nila alam kung pagtatawanan nila o kaiinisan si Mison dahil halatang hindi niya kilala ang mga tunay na nagtatrabaho sa Immigration.

Mas kilala umano ni Mison ang kung sino-sinong bata-bata ng kung sino-sinong opisyal na malamang ‘e siyang nagbigay sa kanya ng rekomendasyon.

Tama ba ako BI-IRD chief MARIE VITAN!?

Ang promotion ni Mison ay kinabibilangan ng mga napaboran ng bata-bata system.

At ang basehan ng promosyon, “it’s not WHAT you know but  WHOM you know.”

May binasehan daw ng promotion ay tagal sa serbisyo kahit wala naman naging output sa bureau!

May mga bago rin na na-promote pero wala din malaking accomplishment sa bureau.

Ang higit umanong nadesmaya sa katarantaduhan ‘este’ pinaggagagawa ni Mison ay ‘yung mga naging tapat sa kanilang trabaho at sumuporta sa kanyang programa na hindi man lang niya tinapunan ng pansin para gawing prioridad sa ginagawa niyang promosyon.

Ang masaklap, sila pa ang unang ini-snowpeak sa listahan ng promotion.

Tama ba BI AssComm. Abdullah Mangotara!?

Napagtanto nila na si Commissioner Mison ay isa lang palang ‘malaking DRAWING’ sa larangan ng pamumuno.

Lalo nilang nakita ang katangiang ito ni Mison nitong nakaraang Disyembre ng ipasara ang dulo ng Magallanes Drive Intramuros para lamang sa kanyang kapritsong Christmas party/presentation.

Nagulat nga ang mga empleyado kung bakit napaka-grandioso ng kanilang Christmas party gayong wala namang ibinigay sa kanilang Christmas bonus.Dapat nga raw sa Department of Tourism ilagay itong si Mison sa mga naiisip n’yang maarteng programa.

Ginawa raw ito para maipost sa Youtube at mapag-usapan pero sad to say…flop at hindi man lang nagtrending ang X’mas presentation ni Mison.

Tsk tsk tsk…

Commissioner Mison, hindi iyang paggastos ninyo nang malaki para sa isang maluho pero walang kuwentang Christmas party/presentation ang ‘legacy’ sa ilalim ng inyong pamumuno.

Sabi nga mga empleyado d’yan, ikaw mismo Commissioner, WALA ka pang maipagmamalaking malaking achievement sa Bureau?!

Kaysa ginastos mo raw sa maluho at walang kuwentang Christmas party na pawang artista lang ang kumita mas mabuti pa sana kung ibinigay mo na lang ‘yan sa mga empleyado bilang bonus.

Personal na nalulungkot ang inyong lingkod, Commissioner Mison, kasi mukhang wala rin maisusulit o maisusulat sa Bureau sa panahon ng iyong pamumuno.

I-dedicate ko na lang ang kanta ni Claire dela Fuente sa inyo, SAYANG!

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *