Monday , January 13 2025

Informal settlers hindi na tatanggapin ng City of San Jose Del Monte, Bulacan

RSPISANG resolusyon ang inaakda ngayon ng City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan para sa 10-taon moratorium sa pagtanggap ng informal settlers sa lungsod.

Ayon kay CSJDM Mayor Rey San Pedro, matapos nilang tanggapin ang 750,000 informal settlers mula sa mga danger zones sa Metro Manila ay isasara muna ang lungsod sa programang ito ng pambansang pamahalaan.

Ang rason: kailangan nilang isabay sa paglalaan ng tahanan ang iba pang serbisyong panlipunan na kinakailangan ng mga bagong residente ng lungsod.

Mula taon 2000 hanggang 2013 umabot na sa 750,000 informal settlers ang kinupkop ng lungsod kaya lumobo nang husto ang populasyon ng siyudad.

Sa ngayon, sinabi ni Mayor San Pedro na ang San Jose Heights sa Barangay Muzon ang huling (muna) resettlement area na tumanggap ng informal settler mula noong Agosto 2013.

Dito tayo bilib kay Mayor San Pedro.

Kung mananaig ang pagiging utak-politiko, lahat ‘yan ay tatanggapin niya, dahil ang magiging katuwiran niya, botante rin ‘yan.

Pero hindi ganoon mag-isip si Mayor San Pedro. Mas inisip niya na mabigyan nang maayos na serbisyong panlipunan ang mga informal settler na mahabang panahong napagkaitan nito sa paninirahan nila sa mga danger zones sa Metro Manila.

Ayaw nang ulitin ni Mayor San Pedro ang karanasang ito ng mga informal settler ngayong sila ay nasa lungsod na kanyang pinamumunuan.

Ang nakikita ko pang problema diyan e dumarami ang mga tao pero ang budget ng lungsod ay hindi naman dinaragdagan ng national government.

Nitong nakaraang Biyernes, sa paggunita ng Araw ng Republika sa Malolos City, dumiretso si SILG Mar  Roxas sa San Jose del Monte City para ipagkaloob sa lokal na pamahalaan ang P40-milyon halaga ng livelihood projects para sa mga bagong residente ng lungsod.

Ang nasabing livelihood projects ay isasailalim sa training facility na itinatayo na ngayon sa Barangay Minuyan.

Alam nating maliit ang P40 milyon para sa nasabing proyekto, pero ‘yan ay panimula lamang at  kung mapamamahalaan nang maayos maaaring umikot ang nasabing proyekto hanggang mabiyayaan ang mga informal settlers nang sa gayon ay hindi na sila kailangang lumuwas pa ng Maynila para sa paghahanap ng kabuhayan.

Sa lungsod kung saan sila inilagak ng pamahalaan ay doon sin sila makasusumpong ng pagkakakitaan.

At ‘yan ang ultimong layunin ni Mayor Rey San Pedro kung bakit kinakailangan ng lungsod ng 10-taon moratorium sa pagtanggap ng mga informal settler.

Korek na may malaking tsek ka d’yan, Mayor Rey San Pedro!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *