Wednesday , December 25 2024

Dapat bang itago ang kahirapan?


00 firing line robert roqueSA ilang araw na pagbisita ni Pope Francis sa bansa ay kapuna-puna na nawala ang mahihirap na pamilya na pangkaraniwang nakikitang naninirahan sa mga lansangan na dinaanan ng kanyang motorcade.

Kamakailan ay nakapanayam ng media ang isa sa mga pamilyang ito na umamin na ikinubli umano sila ng gobyerno at dinala sa isang resort sa Nasugbu, Batangas upang hindi sila makita ng Santo Papa. Doon ay nakasama nila ang dalawa pang pamilya sa loob ng silid na tinuluyan.

Ang sabi raw ng tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay kailangang ma-relocate sila. Ayaw raw ni Pope Francis na makakita ng mga pamilyang yagit na namumuhay sa mga kalsada kaya pinalilinis niya ang Roxas Boulevard.

Ano raw iyon? Ayaw ni Pope Francis na makakita ng mga pamilya na naninirahan sa lansangan? Habang narito ang Santo Papa ay ipinakita niya sa lahat na may puso siya para sa mahihirap. At kahit nasa ibang bansa ay kilala siya bilang “pro-poor” o makamahirap.

Maluwag niyang tinatanggap ang mga batang lansangan. Mahirap man o mayaman, bata o matanda, ay kanyang niyayakap, hinahagkan at binabasbasan. Hindi ba’t binigyang-diin pa niya sa mga deboto ang kahalagahan ng “mercy and compassion?”|

Itinanggi ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman na itinago nila ang mga batang kalye at mga yagit sa lansangan. Dinala raw sila sa resort bilang bahagi ng “family camping workshop” ng gobyerno.

Inamin ng nakapanayam ng media na nag-seminar sila sa resort tungkol sa mga pamilya pero wala raw silang napala ro’n. Hindi raw sila pinayagang makagamit ng silid na may air-condition, walang ibinigay na tulong pinansyal ang DSWD sa kanila, at hindi lahat sila ay pinagkalooban ng grocery items. Mas gugustuhin pa umano nilang mamuhay sa lansangan.

Maaaring ikatwiran ng gobyerno na bahagi ito ng programa nila para sa mahihirap, pero hindi nila kayang pilitin ang mga yagit na maniwala rito, lalo na’t naganap ito sa limang araw na pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Bukod diyan ay may nagsabi sa kanila na kaya sila pinaalis sa lansangan ay dahil ayaw silang makita ng Santo Papa.

Kung ayaw ng gobyerno na makita ng mga kapita-pitagang mga bisita ng bansa ang mga yagit sa lansangan ay gumawa sila ng paraan para masolusyonan ito.

Huwag tayong mabuhay sa pagkukunwari at ikubli ang kahirapan dahil hindi naman tanga ang ating mga bisita. Alam nila ang tunay na sitwasyon sa bansa, pati na ang mga problema natin hanggang ngayon sa kahirapan na sa halip mabawasan ay patuloy pang nardaragdagan.

***

Wala pa rin pahinga ang mga sugalan sa mga lalawigan kaya busog na busog at patuloy sa pagkamal ng pera ng mga nagpapatakbo nito.

Pawang may “drop ball” game ang mga puwesto riyan sa Barangay San Jose, San Miguel, Bulacan na si “Michael Taba” ang operator; Barangay Pinaod, San Ildefonso na “Domeng” ang nag-o-operate; at Barangay Concepcion, Baliuag, Bulacan na pinatatakbo ni “Linda Bakulaw.”

Wala rin katawa-tawa sa pinatatakbong video karera ng isang nagngangalang “Funny” sa Sta, Maria, San Jose del Monte, Marilao at Bulacan, Bulacan.

Totoo kaya na namamayagpag ang perya ni “Jovy” sa San Antonio, Nueva Ecija dahil malakas siya sa hepe ng lugar na si “Major Cena?” Malakas din umano kay “Col. Aganon” at sa regional director ang perya riyan sa Gapan, Nueva Ecija kaya “everybody happy” sa araw-araw.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *