Thursday , December 26 2024

The “Boy Sikwat” of the Philippines

00 Bulabugin jerry yap jsyNOONG una, gusto nating maniwala na biktima ng ‘spin doctors’ ng administrasyon si Vice President Jejomar Binay.

‘Yan ay dahil siya ang number one contender sa hanay ng mga pwedeng maging Pangulo ng bansa.

Noong una nga ‘e iniisip pa natin na ang operation ay gaya ng ginawa kay dating Senate President Manny Villar na nadale naman dahil sa C-5 Road Extension.

Pero habang tumatagal…na dumarami na ang isyu ng corruption na naiuugnay sa kanya at hindi hinaharap ni VP Binay at lalong hindi sinasagot ang mga alegasyon, aba ‘e parang gusto na nating maniwala na malaki talaga ang ‘kickback’ ni VP.

Gaya nitong pinakahuling isyu na kinasasangkutan ng propriedad ng Boy Scout of the Philippines (BSP).

Ayon mismo kay Sen. Sonny Trillanes, posibleng umabot ng P200-M ang naging kickback ni VP Binay sa land deal ng BSP sa Alphaland Inc.

Ang propriedad ng BSP sa Makati nakipag-joint venture sa isang developer. Ang initial commission umano ni VP ay P200-M. Kaya ibig sabihin daw mayroon pang parating.

Pero ang talagang dapat busisiin dito ‘e ‘yung joint venture.

Joint venture na ang share ng BSP ay ‘yung propriedad at ang share naman ng developer ‘e yung kapital o ‘yung gastos sa pagpapatayo ng estruktura.

Pero ang ginawa nila, ‘yung lupa mismo, ang ginamit na collateral para makapag-loan na ginamit umano nilang puhunan.

At sa transaksiyong ito, hanggang ngayon umano ay wala pang natatanggap kahit piso ang BSP?!

Sa ganang atin, dapat din busisiin ang mahabang panahon na si VP Binay ay nanunungkulang presidente ng BSP. Saan napupunta ang ibinabayad ng milyon-milyong mag-aaral sa BSP?! At ano ang ibinabalik nitong benepisyo sa mga mag-aaral sa partikular at sa sambayanan sa kabuuan.

Minsan na rin naikuwento sa atin ni Mayor Alfredo Lim, na noong magkakasama sila nina dating Bulacan Gov. Obet Pagdanganan at ni VP Binay sa BSP ay nagpahayag siya ng pagtutol sa nasabing transaksiyon sa Alphaland.

Tumakbo kasi siyang Senador kaya hindi na nya natutukan ang mga naging kaganapan sa lupang ‘yan. 

Maging ang planong pagbebenta ng propriedad ng BSP sa Mt. Makiling ay matagal na rin umanong naririnig ng mga taga-BSP.

 Ngayong nadaragdagan ang isyung ikinukulapol kay VP Binay, palagay natin ay mayroon na talagang pangangailangan na harapin niya ito…

Dahil kung hindi, ang isyung ito ang mismong lalamon sa kanya!

Eskandalo ng DSWD paulit-ulit

ILANG araw pagkaalis ni Pope Francis, nabuyangyang sa publiko ang ginawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maitago ang mga street people sa mata ng pinakamataas na opisyal ng Simbahang Katolika.

Ayon sa ulat ng isang documentary show, umabot sa 100 pamilya ang dinala ng DSWD sa isang resort sa Batangas sa loob ng panahon na nasa bansa ang Santo Papa.

Mismong ang mga taong lansangan, ang nagpahayag na hindi nila alam kung saan sila dadalhin matapos silang lipulin mula sa Roxas Blvd., mula sa Parañaque City, Pasay City at Maynila.

Ang tatlong siyudad ang area na dinaanan ng Santo Papa sa panahon ng kanyang pamamalagi sa bansa.

What the fact!?

Hindi ‘barya’ ang ginamit sa ‘outing’ na ito ng mga street people. Malaking halaga ito na hindi pinakakawalan ng DSWD sa panahon na mas marami nating kababayan ang nangangailangan.

Aba’y sana ganyan ang ginagawa ninyo linggo-linggo sa mga palaboy sa kalsada!?

Marami na rin pamilyang palaboy ang desmayado dahil sa pangakong kabuhayan ng DSWD ay drawing lang pala!

Bago ang nasabing isyu, lumabas din sa iba’t ibang social networking sites ang mga ‘dinampot’ na street children na ikinulong at ipinosas sa iba’t ibang detention center.

Mariin itong pinabulaanan ni DSWD Secretary Dinky Soliman.

At mukhang diyan napipikon ang marami nating kababayan. Maraming lumalabas na ebidensiya pero panay lang ang tanggi.

Kahapon, sinabi ni Secretary na ipasasara na raw ang Manila Reception and Action Center (RAC).

Ang tanong, solusyon ba ang pagsasara?!

Baka ang solusyon ‘e palitan ninyo lahat ang mga tao d’yan na kung umasta ‘e daig pa ang mga berdugo.

Imbes kalingain ang mga batang nangangailangan ng pang-unawa, nagagawa pang pagmalupitan at kaitan ng pagkain.

Tsk tsk tsk …

Mukhang hindi talaga tumalab sa inyo ang pangaral ng Santo Papa.

Ano sa palagay ninyo Secretary Donkey ‘este mali Dinky?!  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *