Saturday , November 23 2024

‘Pinas, back to normal – batuhan na naman!?

00 aksyon almarBALIK normal na naman ang Metro Manila – trapik.. trapik… trapik… etc. Higit sa lahat ang batuhan na naman ng putik ng mga hunghang na politicians na pawang makasarili.

Nakaalis na si Pope Francis, I hope iyong mga nagpakabanal nang narito ang papa ay manatili sa pagkabanal o maka-Diyos. Hindi lamang ang mga buwayang politicians natin ang tinutukoy natin kundi ang mga nakararami.

Sana hindi lamang nitong nakalipas na limang araw sila nagpakasanto kundi kahit na wala na si Pope sa bansa lalo na ang mga nagpapatakbo sa gobyerno natin.

Sa limang araw na pansamantalang pagtigil ng papa sa ‘Pinas, kapansin-pansin at masasabing kahanga-hanga ang lahat.

Kaya pala ng gobyerno natin disiplinahin ang milyong makukulit na Pinoy. Wala tayong nakitang mga pasaway o kung mayroon man ay iilan lang.

Kaya saludo tayo sa ipinakitang “disiplina” ng mga nagsikap na mapuntahan o makita si Pope lalo na ang PNP, AFP, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan maging ng mga volunteer.

Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

Ngayon wala na ang Papa, tapos na ang kanyang pagbisita at pagbabasbas sa milyong Pinoy. Ang tanong sa milyong Pinoy ay ano na ang mangyayari sa ipinamalas ninyong disiplina habang narito ang Papa? Balik sa dati na ba o pagkalipas lang ng isang linggo?

‘E ang gobyerno natin o mga politician, ano kaya ang kanilang sunod na hakbangin para sa bansa?

Naturalmente, lalabas na naman ang kanilang pagkamakasarili. Sandaling nagplastikan muna sila dahil kay Pope at ngayon nakaalis na, malamang na para sa kanilang sarili na naman ang kanilang aatupagin lalo na ang gobyernong PNoy na hanggang ngayon ay kulelat pa rin ang pambato sa presidential elections sa 2016.

Sa pagbisita ni Pope, bukod sa ipinanalangin ang bansa lalo na ang mga biktima ng bagyong Yolanda, kanya rin kinondena ang katiwalian. Ibig sabihin, batid ng Papa ang sobrang corruption sa ‘Pinas. Alam naman natin na ang korupsiyon ang pangunahing dahilan ng paghihirap ng maraming Filipino.

Korupsiyon na ang karamihan nasa likod o nakikinabang dito ay mga ibinoto ng marami na mambabatas, mayor, vice mayor, gobernador etc.

Sa limang araw na pananatili ni Pope sa bansa, ano kaya ang epekto nito sa politicians natin na karamihan ay sinasabing magnanakaw? Malamang isa sa masasabing epekto ng pagdalaw ng Papa ay isang linggong nagpahinga sa pagnanakaw ang mga nasa gobyerno at politicians natin. Ops, in fairness sa ibang politicians, may mga hindi naman daw nagnanakaw kundi, regalo lang daw iyon sa kanila. Sige na nga.

Pero ano pa man, sana ay tuloy-tuloy nang lumambot ang puso ng mga magnanakaw sa gobyerno o mga lider kuno natin. Hindi lang sana sa nakalipas na limang araw silang nagpahinga sa batuhan ng putik kundi sana ay maging maayos ang lahat – matigil na ang maruming politikahan. Ha! Ngayon pa ‘e wala na si Pope…at ngayon pa, samantalang hanggang ngayon kulelat pa rin ang ilalaban ng Liberal sa 2016. Kaya asahan na natin na sa pagtalikod ni Pope, tiyak na makikinig na naman ang nakararaming lider natin sa kanilang kaibigang si “Taning.” Batuhan na naman iyan. Buti sana kung batuhan ng tinapay pero hindi e, sa halip batuhan ng putik talaga.

Bukod dito, sana itong mga nambabato ay walang itinatagong baho.

Kaya sabi nang marami, sana ay lagi na lang bumisita si Pope sa bansa para tahimik ang bawat sulok.

No, hindi na kailangan pang buwanan bumisita si Pope para sa katahimikan. Kung talagang Kristiyano ang lahat o tayo, nariyan ang tunay na HOLY FATHER na nakatingin sa atin. Sa tunay na HOLY FATHER tayo mahiya, sa tunay na HOLY FATHER tayo magsamba, sa tunay na HOLY FATHER tayo manampalataya, magtiwala at higit sa lahat MATAKOT.

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *