Mga aral ni Papa Francisco
hataw tabloid
January 20, 2015
Opinion
MAINGAY na maingay ang buong bansa dahil sa pagdating ni Papa Francisco. Kabi-kabila ang mga komentaryo sa telebisyon, radyo at mga pahayagan. Pati na ang mga pondohang bayan ay aligaga dahil sa makasaysayang pangyayari na ito. Tiyak na maraming sasabihin ang Papa na pag-uusapan nang marami sa hinaharap… marami ring photo opportunities para sa mga litratista. Bukod rito, tiyak rin na malalagay na naman sa mga pahayagan at maitatala sa kasaysayan ng mundo ang ating bansa dahil sa ating sobrang init na pagtanggap sa Papa. Gayon man ako ay may dalawang bagay na ibig ipunto sa pagkakataong ito. Una – sa ating pakikinig sa Papa dapat nating limiin ang lahat ng kanyang sinasabi at hindi lamang ‘yung maganda sa ating pandinig. Natural sa atin na ang ating pinakikinggan ay ‘yung musika sa ating pandinig… ‘yun lamang maganda, subalit ang Papang ito ay kakaiba. May mga mensahe siya na hindi kaaya-aya sa ating tenga subalit may hatid na malalim na aral tulad na lamang ng kanyang pagtuligsa sa kasalukuyang siste ng kapitalismo. Marami ang balisa sa pagpunang ito ng kapitalismo ni Papa Francisco. Pangalawa – tayo ay kaiingat sapagkat pagkatapos ng lahat ng ito… lahat ng ingay ay tiyak na marami naman ang magbibigay ng interpetasyon kung ano talaga ang mensahe ng Papa. Maraming magmamagaling at magsasabi sa atin kung ano ang ibig sabihin ng Papa sa kanyang mga ginawa at sinabi habang siya andito sa ating bansa. Kadalasan ang problema ay ang dami ng iba’t ibang interpretasyon kaya’t kaiingat kato sa inyong paniniwalaan.
* * *
Nanawagan ang grupong Koalisyon ng Kabataan Kontra Korapsyon (KKKK) o 4K sa Korte Suprema na desisyunan na agad ang nakabinbing disqualification case ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Ayon kay 4K Secratary General Andoy Crispino mistulang nilulukuban ng masamang espirito ng katamaran ang Supreme Court dahil hanggang sa ngayon, magdadalawang taon na ang nakalipas, hindi pa rin nagbababa ng desisyon si mataas na hukuman kaugnay ng kaso ni Estrada.
“Noong 2013 pa, bago mag-eleksyon nang isampa ang kaso, pero bakit kaya 2015 na eh hindi pa rin sila nagdedesisyon? Nakapagtataka rin na nauna pa nilang madesisyunan ang mga isyu na pwedeng gamitin sa politika gaya nang Disbursement Acceleration Program o DAP at Priority Development Assistance Fund o PDAF at iba pang kasabay na kaso na may kahantulad na petisyon gaya ng kay Estrada pero bakit ang pagbibigay linaw sa mga taga-Maynila ay tinutulugan lang nila?” tanong ni Crispino.
* * *
Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189