Thursday , December 26 2024

War Zone na ang Bilibid dahil sa droga

00 rex target logoTILA sumiklab ang giyera sa loob mismo ng maximum security compound ng New Bilibid Prison makaraang bulabugin ito nang sunud-sunod na raid ni DOJ Secretary Laila De Lima. Pero teka muna, sa kabila ng mahigpit na tagubilin ni De Lima laban sa pagpapasok ng mga ilegal na kontrabando sa loob ng nasabing piitan gaya ng droga at baril…panabay na rin ang paglilipat sa 19 VIP inmates na sinasabing nasa likod ng illegal drug cartel sa mismong Bilibid, tila raw po may piniling mga personalidad ang kalihim ng DOJ.

Kung nailipat at nakasentro ang buong puwersa ng DOJ at NBI sa grupo nina Herbert Colangco, Vicente Sy at Peter Co, may ilan pa umanong bigtime drug lords cum inmates ang naiwan sa NBP.

Ito ang pagbubulgar na inilahad ng ilang reliable sources ng TARGET ON AIR panabay ang paglalantad sa isang alyas JAYVEE SEBASTIAN, HANZ, BANLONG, BATANG ARELLANO at CHARLIE QUIDATUNG alyas WARDEN.

Parang pinili lamang ni De Lima ang puputulan ng sungay ngunit mayroon pa umanong mga demonyong sadyang iniwan para makopo ang negosyo sa ilegal na droga.

Sino kayang Pontio Pilato ang tila bumubulag kay Sec. De Lima para sadyang hindi mapansin ang naiwang grupo sa NBP?

Ito raw ang dahilan kung bakit halos may riot araw-araw sa Bilibid.

Hindi raw isang honest-to-goodness operation ang nagaganap laban sa inmates na drug dealers. Sadyang winalis lamang ang grupong ka-kompetensiya sa negosyo.

Mabigat na paratang ito Sec. De Lima na dapat ay pagtuunan mo ng atensiyon at utmost concern. Droga or drug cartel ang pinag-uusapan dito.

Ang mga katulad ni JAYVEE SEBASTIAN na kasing tikas nina Colangco, Sy at Co ay hindi magandang maghari-hari diyan sa New Bilibid Prison.

Wala namang ipinag-iba ang kalakal nitong si SEBASTIAN kumpara sa ‘drug merchandise’ nina Colangco et al.

Bakit hindi siluin kapagdaka ang druglord na si SEBASTIAN at isama sa karsel ng mga nauna nang inilipat sa NBI?

Bakit tila iba ang treatment ng DOJ at ng NBI kina alyas HANZ,BANLONG, BATANG ARELLANO at dito kay CHARLIE QUIDATUNG alyas WARDEN?

May kaiba ba silang karisma para sa mga mata ni Sec. Delima.

Hindi lamang droga ang mga kontrabando ng naiwang grupo kundi mataaas din ng kalibre ng baril at mga pampasabog.

Kung bakit hindi mahagilap at mahakot ng composite team ng DOJ-NBI-PNP at jailguards ang lunggang pinagtataguan ng epektos ay mananatiling $64 question sa mata ng mga ordinaryong mamamyan. Bakit nga ba Director Franklyn Bucayo sir?

Bakit nga ba MAMA LAILA DE LIMA ma’am?

May kasunod…ABANGAN!

Mayor Jimmy Fresnedi, may hatid na bagong biyaya sa mga taga-Munti

Sa pagpasok ng 2015, ibayong biyaya ang nakatakdang ipagkaloob ni Muntinlupa City Mayor Jimmy Fresnedi sa kanyang constituents kaagapay ang kanyang mga pinagkakatiwalaang mga tauhan sa pangunguna ni City Administrator Allan Cachuela at BPLO chief Gary Llamas.

Ang dalawa ang ilan lamang sa maaasahan at masisipag na opisyal ni Mayor Fresnedi na may tunay na malasakit sa mamamayan ng kanilang mahal na lungsod.

Alter ego ni Fresnedi si Cachuela na hindi lamang usapin ng city hall ang matamang pinagkakaabalahan kundi iba pang mahahalagang gawain na hindi na halos maharap ng mabait na alkalde.

Si Ginoong Llamas naman ay tinututukan ang usapin sa pananalapi at kung paanong lalo pang pasiglahin ang ekonomiya ng Muntinlupa.

Basic services sa mga mamamayan ng siyudad ang pangunahing nais na maipagkaloob ni Mayor Fresnedi sa lahat ng taga-Muntinlupa. Prayoridad sa listahan yaong nasa bracket ng mahihirap, senior citizens, kabataan at mga mag-aaral.

Inaasahan ni Fresnedi na mapagbubuti pa ng kanyang mga opisyal at empleyado sa city hall ang pagseserbisyo sa taumbayan lalo na yaong mga nangangailangan ng tulong.

Bahagi ito ng kanyang social program kabalikat ang iba pang departamento ng siyudad gaya ng local DSWD, Office of the Senior Citizens, mga guro at iba pang non-government organization (NGOs) na walang tigil ang pagsuporta sa mga proyekto ng alkalde.

Pinaigting naman ng lokal na pulisya ang pagmamantina ng kaayusan at katahimikan hindi lamang para sa mga residente ng siyudad kundi maging sa mga dumarayong investors at iba pang mangangalakal.

Alam ni Mayor Fresnedi na pangunahing elemento para lalong umunlad ang isang pamayanan ay isang tahimik na environment na business friendly at makadagdag sa hanapbuhay at pagkakakitaan ng masang populasyon.

Masasabing isa ang Muntinlupa City sa masasabing may pinakamalaking pag-angat in terms of industrial progress sa mga lungsod sa Metro Manila. Paborito rin itong dayuhin ng mga local at international investors dahil sa magandang peace and order situation ng naturang lugar.

Angkop lamang talaga rin ang pagtatayo ng malalaking pabrika at iba pang negosyo dahil sa land area nito at tahimik na kapaligiran na malayo sa nagsisiksikang congestion kumpara sa mga kapitbahay nitong lungsod.

Sa mga unang araw pa lamang ng bagong taon (2015), naka-programa na sa itinerary ng mayor ang paglulunsad ng programang magpapasigla sa kalakalan at karagdagang hanapbuhay.

Ang pagsinop at pagdaragdag ng budget para sa health care at mga pangangailangan ng mga barangay health center at pampublikong ospital.

Ang paglalaan nang sapat na pondo para sa public schools ng Muntinlupa at ang pagkakaloob ng disenteng pasahod sa mga empleyado ng lungsod kabilang ang mga guro, pulis, health workers at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan.

Lagi namang nakaalalay sa mga makabuluhang pagawaing ito ni Mayor Fresnedi ang kanyang City Administrator na si Mr. Cachuela at maging si Gary Llamas na nangangasiwa naman ng BPLO.

“Walang red tape sa Muntinlupa…instead, RED CARPET treatment para sa lahat ng mamamayan at mga bisita.

Mabuhay ang Muntinlupa City…mabuhay si Mayor Fresnedi.

Kapuri-puri ang iyong mga ginawang pagbabago para sa nasabing siyudad. And for that, we salute your Mayor Fresnedi sir!

You really lead by example.

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *