PIO ng Caloocan City nanghihingi ng komisyon?!
hataw tabloid
January 14, 2015
Bulabugin
NITONG nakaraang anibersaryo ng HATAW naglabas ang ating pahayagan ng mga solicited advertisement sa iba’t ibang personahe, company, government agencies and local government units (LGUs).
Natuwa tayo dahil isa ang Caloocan City sa pamumuno ni Mayor Oscar Malapitan na sumuporta at nagbigay sa atin ng isang pahinang advertisement ukol sa kanyang mga accomplishment sa lungsod at mga bagong programa.
Ang materyales ay inihanda ng PIO (Public Information Officer) umano ng Caloocan City.
Sa madaling sabi, nakasingil na rin po kami sa Caloocan kaya nga po nagpapasalamat tayo kay Mayor Oca.
Heto ngayon, nakaraang Lunes nakatanggap kami ng tawag mula sa isang NOLAN SISON na nagpapakilalang public information officer (PIO) ng Caloocan City.
Namimilit na kumuha at naghahabol ng 15 porsiyentong KOMISYON doon sa ibinayad na sa amin ng Caloocan LGU. Wala raw kasing suweldo ang mga JO (job order) staff niya kaya kailangan nila ang nasabing komisyon.
Kung para po talaga sa mga nangangailangan hindi po tayo nagmamaramot, wala pong problema sa atin ‘yang komi-komisyon.
Pero iba ang dating ng tono at lakad ng nagpapakilalang NOLAN SISON.
Parang nagpupumilit?!
Napilitan tuloy tayong i-background check ‘yung Nolan Sison.
Ang Caloocan PIO ba na si Nolan Sison, ang Nolan Sison na nasangkot sa P1-M extortion sa Department of Transportation and Communication (DoTC) noong panahon ni Secretary Leandro Mendoza?!
What the fact!?
Naku naman, Mayor Oca Malapitan, ang dami namang magagaling na PR man d’yan, bakit ‘yan ang kinuha mong PIO?!
‘E mukhang ‘yan pa ang hihila sa iyo pababa!
Nakahihiya ang ginagawa n’yan sa iyong administrasyon! Ilan na kaya ang nabiktima n’yan!?
Paki-check mo nga rin Mayor Oca, kung saan tumatambay ‘yan at baka matunog na matunog na ang pangalan mo sa mga club at iba pang kailegalan sa CAMANAVA.
Paki-require mo na rin ang DRUG TEST, dahil marami na agad tayong naririnig na hindi maganda tungkol sa taong ‘yan.
Nakikisuyo lang po ako, Mayor Oca.