Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Papa Francisco pagpalain mo ang ‘Pinas

00 BANAT alvinMARAMI ang mananalangin at nanalangin na maging matagumpay ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

Maging si PNoy ang nanawagan ng pagkakaisa para mapangalagaan ang Santo Papa na tinaguriang People’s Pope dahil sa angking karisma nito sa lahat lalo’t higit sa mahihirap.

Bagaman ilang araw lang ang gagawing pamamalagi ni Pope Francis sa ‘Pinas ay tiyak na tiyak namang mapapatnubayan at pagpapalain niya ang ating bansa na lagi na lamang dinadaluyong ng malalaking kalamidad.

Alam higit ni Pope Francis ang pangangailangan ng mga Filipino at iyan ang dahilan kung bakit siya dumalaw rito.

Bukod kasi sa sangkatutak ang Katoliko sa bansa natin at iyan ay alam ng buong Mundo ay talaga namang nangangailangan tayo ng pagkalinga at basbas ng Sugo ng Diyos.

Hindi biro ang dinanas at dirananas ng Filipinas na kalamidad noong mga nagdaang taon pero nakatayo pa rin ang mga Pinoy dahil sa pagsandig sa Dakilang Lumikha.

Dapat natin samantalahin ang pagdating ng Santo Papa dahil ang kanyang pagbisita sa bansa natin ay isang blessing na talaga namang hindi mapapantayan ng kahit na sinoman lalo’t higit ang mga politiko sa Malakanyang na lagi na lamang may kinikilingan.

Ibang biyaya ito ng Maykapal kaya’t sana maramdaman nating lahat ito nang buong kagalakan at kaligayahan dahil hindi naman lahat ng bansa sa mundo ay dinadalaw ng puno ng Simbahang Katoliko, na maituturing na nating sugo ng Panginoong Hesukristo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …