Friday , November 22 2024

God loves us all

00 parehas jimmyBut God shows his love for us in that while we were still sinners, Christ died for us. Romans 5:8 .

Ganyan kabait ang Panginoon kahit na anong pagkakasala natin sa kanya ay mahal parin niya tayo. Nagbabago man ngayon ang pananaw o isipan ng maraming tao sa sanlibutan ukol sa moralidad at wastong kaasalan, namamalagi ang tagubilin ng Diyos maging sa panahon natin ngayon.

Noong nakaraang taon ay maraming pagbabagong naganap sa lipunan at sa daigdig na hindi lamang nagpaparupok sa pinakapundasyon ng pamilya kundi nagsasapanganib pa sa marami. Noon pa man panahon ng apostol sila ay nagbabala tungkol sa magiging kalagayan ng mundo:

“Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan. Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti. Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Diyos; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.” (II Tim. 3:1-5)

Tuwirang nagbabala ang mga apostol na ang mga huling araw ay totoong mapanganib dahil sa magiging gawi at ugali ng mga tao. Sadyang nakababahala ang nangyayari sa marami, lalo na sa mga kabataan, na nasusumpungang maibigin sa sarili, masuwayin sa magulang, mga walang turing, mga walang pagpipigil sa sarili, at mga maibigin sa kalayawan. Ang ganitong kalakaran sa panig ng mga kabataan ay lumalarawan sa kalagayan ng kanilang sambahayan. Noon pa man ay madaming tukso hanggang ngayon kaya naman sana sa pagpasok ng taong ito ay may magandang mangyayari sa ating buhay sa bansa at sa lipunan.

Ating suportahan ang lahat ng programa ni PNoy para na rin sa ikakaayos at ikakaganda ng takbo ng ekonomiya sa ting bansa.

***

Madaming pumupuri sa NBI dahil na rin sa magaling at mahusay na pamumuno ni Director Atty. Virgilio Mendez.

Talagang di sila tumitigil sa pag iimbestiga sa kaso sa Bilibid prison at sa smuggling ng bawang na sangkot diumano ang ilang government officials.

Talagang di paawat ang mga taga NBI dahil na rin sa magandang samahan nila at gusto nilang ipakita na sila ang number 1 investigative arm of the Government.

Keep up the good work guys. Mabuhay kayong lahat sa NBI.

***

Aking nakapanayam ang mga kaibigan ko sa Aduana na maganda raw ang ipinakikita ng mga nakaupo sa Bureau of Customs at siyempre nakikita naman natin na talagang may patunay naman.

Maganda ang tulungan lalo sa mga taga Assessment sa MICP man o sa Port of Manila.

Lahat ay ginagawa nila upang matulungan ang butihing Commissioner Sevilla na malagpasan pa ang koleksyon na iniaatang sa kanila ng Finance.

Sa nakikita naman natin ay napapabuti naman lahat ang ginagawang reporma sa Aduana at di rin nagpapabaya ang mga magagaling na Deputy Commissioners at mga Collector and they are working hard for the government.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *