Thursday , December 26 2024

Mga pari at mga obispo dapat maging ehemplo si Santo Papa Francisco

USAPING BAYAN LogoSA kabila ng panawagan ni Santo Papa Francisco para sa lahat, lalo na sa kaparian, na mamuhay nang payak bilang pagsunod sa pamumuhay ni Kristo Hesus ay tila bi-nge ang karamihan at patay-malisya silang parang walang narinig. Ang masakit nito may mga alagad ng simbahang Romano Katoliko ang tahasang nagbibi-nge-bi-ngehan at patuloy pa rin na kumukunsinti, kundi man nagtatampisaw sa pagbubuyangyang ng karangyaan. Halimbawa nito ang siyam na obispo ng Simbahang Romano Katoliko at pitong pari na nakilahok nang todo sa sobrang marangyang kasalan ng dalawang artista ng pelikulang Pilipino. Sabi nga ng kolumnistang si Ma. Ceres Doyo, sila (ang mga Obispo at pari) ay “nagkakandarapa” sa pagkakasal sa dalawang sikat na artista. Hindi masamang gastusin ang yaman lalo na’t kung may gagastusin. Ang pinupuna natin ang walang pakiramdam na pagwaldas nito sa gitna ng kahirapan. Bilang mga alagad ng simbahan ang mga Obispo at mga pari ay may tungkulin na hindi magpakalat ng eskandalo at kasalanan sa mundo. Ang pagdi-display ng yaman sa gitna ng pagdarahop ay sintomas din ng isang uri ng kahirapan…ito ang pagdarahop sa atensyon. Alam natin na agaw-atensyon ang yaman kaya ‘yung mga nagbubuyangyang nito ay malinaw na naghahanap ng atensyon. Ang atensyon na ito ng isang tagahanga ay maaring mauwi sa inggit, isang uri ng kasalanan. Ang yaman din na ibinubuyangyang ay maaring pagsimulan ng depression o lumbay na maaring ikamatay. Bilang mga alagad ng simbahan ang mga ganitong damdamin, inggit o lumbay, ay tungkulin ninyong labanan para sa mananampalayata. Haaay naku….pakinggan at sundin naman ninyo ang mensahe at ehemplo ng Santo Papa.

* * *

Binabati ko ang punong lungsod Herbert Bautista ng Kyusee dahil sa paglago ng negosyo sa isa sa primerang lungsod ng bansa. Ang paglago ng negosyo ay mauuwi sa maraming trabaho para sa mga taga-Kyusee, mababang krimen at patuloy na pag-unlad para sa lungsod. Nakapagtayo rin ng 20 school buildings ang pamahalaang panglungsod sa pamumuno ni Bautista. Tuloy-tuloy ang pag-unlad ng Kyusee. Mabuhay ka mayor.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maaari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *