Friday , November 15 2024

Breakfast forum ni Mayor Fred Lim biglang dinumog

00 Bulabugin jerry yap jsyNAKAGUGULAT ang biglang pagdami ng mga nagsisidalo, umaaligid o nagsi-uzi sa Breakfast Forum ni Mayor Alfredo Lim.

Dati kasi ang nakikita nating regular na dumarating lang ay sina Itchie Cabayan, Jerry Tan, Caloy Baltazar at ilang beterano at ilang senior citizen na hindi na kayang tawaran ang katapatan at paghanga kay Mayor Lim.

Pero nagulat tayo nang mapansin natin na parang nadagdagan ng mga ‘bagong-lumang’ mukha ang hanay ang mga nagsidalo sa nasabing Breakfast Forum.

Ayon sa ilang genuine loyalist na malalapit kay Mayor Lim, tila nabago umano ang ihip ng hangin nang umugong ang balita na pagtitibayin na ng Supreme Court ang ponente sa Disqualification Case na inihain laban kay Joseph “Erap” Estrada.

Noong isang taon (2014) pumutok ang balitang ito bandang Setyembre. Pero nang walang mangyari sa kabuuan ng Setyembre bigla umanong nagkaroon ng kompiyansa ang kampo ni Erap na kung maibababa man ang  desisyon malamang anim na buwan na lang, eleksiyon na ulit.

Muli lang nawindang ang kampo ni Erap nang pagtibayin ang diskwalipikasyon laban sa kanyang pamangkin na si ER Ejercito dahil sa labis na paggastos sa nakaraang eleksiyon.

Kaya nangarag na naman ang kampo ni Erap na sa palagay nang marami ‘e dahilan para mag-isip ang ilang grupo na lumipat na naman ng bangka.

Marami tayong mga kaibigan ang humihiling na sana nga ay magdesisyon na ang Supreme Court. Masyado na nga namang nabibinbin ang ‘katarungan’ para sa magkabilang panig.

Tayo man ay isa sa naghahangad nang mabuti, makatuwiran at lohikal na desisyon ng Supreme Court.

Pero gusto rin natin paalalahanan si Mayor Lim, na maging maingat sa mga mahilig mag-alok ng suporta at serbisyo dahil karamihan sa mga nag-aalok nang ganyan ay mayroong malaking interes na pinakaiingatan.

Marami nga ang natuwa sa mga original na dumadalo sa Breakfast Forum ni Mayor mula nang mabawasan ng isang DOBLE KARA pero marami rin pala ang biglang nagsulputang ‘bagong-lumang mukha.’

Anyway, naniniwala at nagtitiwala tayo sa mga desisyon ni Mayor Lim at sa palagay natin hindi na niya hahayaang magtiwala sa mga maling tao.

Alam na rin naman ni Mayor Lim kung sino ang mga nakasama niya noong panahon na nakaupo siya at noong panahon na may pansamantalang nakasungkit ng posisyon niya.

Asahan ni Mayor Lim na mananatili ang katapatan ng mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.

Sa hanay ng mga mapagkakatiwalaan ni Mayor (kung sakali) kuwidaw sa mga hakbang na sablay dahil hindi po natin palalampasin ‘yan at ako mismo ang babanat sa inyo lalo na kung makasisira sa kampo ni Mayor.

Sulong Mayor Lim!

37,000 puwersa ng pulis at militar itututok kay Pope Francis (May snipers pa raw?!)

SA SOMALIA ba o sa Philippines dadalaw si Pope Francis ngayong darating na Huwebes?!

Hindi kaya OVER ACTING na ‘yang inihahandang seguridad para sa Santo Papa?

Kung 37,000 pulis at militar ‘yang security force, aba ‘e sila lang pala ang ookupa sa kalye at makatatanghod kay pope Frances.

Hindi ba’t ang special request ni Pope Francis ay makadaupang-palad niya ang mga ordinaryong tao  lalo na ‘yung nangangailangan ng basbas at pagkalinga?!

Bagama’t pre-arranged na ang mga makasasalamuha niyang pami-pamilya, PWDs at iba pang sector, ang alam natin si Pope Francis ay mahilig mang-sorpresa.

Ilang beses na niyang ginawa na pinahinto niya ang sasakyan at biglang bumababa para basbasan ang mga taong nakasunod sa Popemobile.

Ganyan ka-espontanyo ang Santo Papa kaya mahirap maglagay ng restriksiyon sa kanyang mga kilos.

Ang isa pang ipinag-aalala natin dito, hindi kaya magkaroon ng impresyon si Pope Francis na para siyang nasa isang bansang may giyera at hindi sa isang very hospitable Philippines?!

Sandamakmak ang concrete barriers na inilalatag sa mga kalsada na daraanan ng Santo Papa sa Kamaynilaan.

Uulitin lang po natin: Mercy & Compassion ang diwa ng pagpunta ng Santo Papa sa bansa.

Huwag naman nating iparamdam sa buong mundo na parang sandamakmak ang terorista sa ating bansa.

‘Yun lang po!

Traffic dahil sa kotong

GD PM po Mr. Jerry Yap sobra na talaga traffic dito Blum sa may riles nakatanga lang ang pulis ginawang terminal ng jeep sa tapat ng dating Lerma Bldg. May kolektor mga 45 ang idad iniikot lahat ng jeep 5pesos kada jeep pakitulong lang sir mailagay sa Hataw ‘yung dyaryo nyo ang halos binabasa rito sa lugar namin kahit pulis binabasa more power sa iyo.  Jun Victoria +639476067845

Opinyon kay FPJ at kay VP Jojo Binay

OPINYON Ging Pidlaoan, 47 yrs old, 61 20th Av., Barangay Sn Roque, Q.C. ang front page picture ni Binay ksama ang yumaong si FPJ bilang publicity stunt ni Binay sa PJI publications ngayong death aniv ni FPJ ay napakabaho! Si FPJ ay malinis. Malayong kabaligtaran ni Binay na talamak na corrupt. +63917328 – – – –

Promotion sa PNP very unfair

GD AM, Sir Jerry bka pwd iparating kay Gen. Carmelo E. Valmoria ang RD s NCRPO, ang hinaing nmin mga pulis n bkit andami pulis n my kaso ang npromote p s Spo4, npaka unfair po smin mga wla kaso n hnd npromote, pinalusot po cla ng R1 promotion board dhil s pera at koneksyon. Sna po mtulungan nyo po kmi. Ty po. +63949613- – – –

Stop light sa Banawe Quezon Ave hindi nakatutulong sa motorista

GOOD am Sir Jerry, nais naming ilapit sa inyo ang matagal na rin naming hinaing tungkol ito sa stop light dito po sa Banawe at Quezon Ave. Quezon City, subra pong nakakaabala sa aming mga motorista dahil dito na po tumatawid ang mga tao mula umaga hanggang gabi, sir sna sa pamamagitan ninyo po ay maaksyonan na ito, at isa pa sana ibalik ng mga MMDA ang mga harang jan sa mga island dhil bigla-biglang may tmatakbo at tumatawid jan, may namatay na jan hndi lng 2 bisis, maraming salamat po sa inyo na boses ng masa, gd am and God bless. +63916152 – – – –

Banawe overpass hindi magamit dahil walang ilaw

MAGANDANG umaga po sir Jerry, nais po naming ireklamo ang ovepass ng Banawe Quezon Ave. Quezon City, ilang buwan na naming nerereklamo eto hanggang ngayon wala pa rin ilaw, kaya nakikipagpatentero na lang kami sa mga sasakyan dahil nakakatakot umakyat sa overpass dahil sa walang ilaw, alam po ninyo etong Banawe daming holdaper, sana sa pamamagitan ninyo sir Jerry maaksyonan ang hinaing naming ito. Maraming salamat, God bless.

+63999729 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *