Friday , November 22 2024

Granada pinasabog sa Bilibid Gang War

00 bullseye batuigasNOONG umaga ng Huwebes ay nakatanggap tayo ng sumbong na isa ang patay at marami ang sugatan sa gang war umano sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison.

Agad natin itong inalam at nakumpirma na isa nga ang nasawi at 19 ang sugatan sa pagsabog ng granada sa Building 5 ng maximum security compound kung saan nakapiit ang mga miyembro ng Commando Gang.

Ayon naman kay Justice Sec. Leila de Lima ay “under control” na raw ang sitwasyon at iniimbestigahan na ng mga awtoridad. Nagpahayag si NBP officer-in charge Supt. Richard Schwarzkopf na sa paunang imbestigasyon ay lumabas na kilala raw sa pangalang “Jojo” ang nasawi samantalang ang dalawang seryosong nasugatan ay sina Alvin Cruz at Arjay Lacdan.

Naganap ang pagsabog matapos malagay sa iskandalo ang NBP sa sunud-sunod na mga raid na isinagawa nina De Lim kung saan nakumpiska ang iba’t ibang kontrabando mula sa droga hanggang sa mga armas, at pati mga kasangkapan. Nabuko rin ang marangyang pamumuhay ng mga bigtime na preso na parang nakatira sa loob ng resort at hindi sa kulungan.

Bunga ng lahat ng ito ay sinibak ang ilang opisyal ng Bilibid. Ganu’n pa man ay palaisipan kung bakit patuloy na nakalulusot ang mga armas at ibang kagamitan sa loob ng NBP.

In fact, bago maganap ang pagsabog noong Huwebes ay iprinisinta sa media ang mga gamit na muling nasamsam kamakailan sa ilang preso ng maximum security compound tulad ng mga armalite, pistol, bala, itak, granada at ilan pang ipinagbabawal na bagay. Mantakin ninyong may refrigerator pa silang nakumpiska.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Franklin Bucayu, ang pagsabog ay maaaring may kaugnayan sa mga raid at pagbabago na kanilang ipinatupad sa Bilibid.

Pero tinitingnan din nila kung gang war ang ugat nito dahil ang nasawi at mga sugatan ay miyembro ng Commando Gang. Maaaring ang target daw ng granada ay ang lider ng Commando Gang na si JV Sebastian. May mga preso umano na nagrereklamo kung bakit hindi isinama si Sebastian sa mga “high-profile” na bilanggong inilipat sa Nueva Ecija noong isang buwan.

Ang malaking tanong ay kung bakit sa kabila ng sunud-sunod na raid nina De Lima                                   ay palaging nakalulusot ang sari-saring baril at ipinagbabawal na gamit sa loob ng Bilibid.

Sana’y bigyang pansin ng mga awtoridad ang sumbong na ipinarating sa atin ng ating tagasubaybay, mga mare at pare ko, na nagbubunyag kung saan umano ikinukubli ng mga damuhong preso ang kontrabando kaya hindi ito makita-kita ng raiding teams. Alalahaning hindi mailalabas-masok ang mga kontrabando kung walang mga bantay na nagpapalusot nito.

Aksyunan!

***

SUMBONG: “Sumbong ko lang marami sugatan at 1 patay kanina 10:30 am sa maximum compound. Hinagisan ng sige-sige sputnik ng granada ang commando. Dapat gibain na lahat ng bahay sa labas ng brigada at mga tindahan at bodega ng mga tindahan, pati mga ginagawang kainan at lutuan ng mga bigtime na mga Chinese sa maximum dahil dun tinatago ang mga armas at mga kontrabando dito. Paano mahuhuli sa brigada pag pinasok ng NBI at PDEA, tinatago nila sa labas sa mga bahay, tindahan at ginagawang kainan lutuan ng mga bigtime na Chinese dito. Dapat gibain na lahat ni DOJ Sec. Leila de Lima kasi ginagawang taguan nila ng kontrabando.” Concerned citizen

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

Ruther Batuigas

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *