Saturday , November 2 2024

Paris shooting kinondena ng PH

Charlie HebdonNAKIISA ang Filipinas sa France at iba pang mga bansa sa pagkondena sa pag-atake ng mga armado sa opisina ng satirical magazine na Charlie Hebdo sa Paris.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, walang puwang ang naturang karahasan sa makabagong panahon at hindi ito dapat palagpasin.

Tinawag na “senseless attacks” ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang insidente na ikinamatay ng 10 mamamahayag at dalawang pulis.

Nagpahayag din ang Filipinas ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.

“We are appalled by the senseless attacks that took twelve innocent lives and wounded several others in Paris. We join the French nation and the rest of the world in denouncing this blatant disregard for human lives and the fundamental right of expression. We condole and sympathize with the families of the victims as they mourn the loss of their loved ones and begin their quest for justice,” batay sa opisyal na pahayag ng kagawaran.

Una nang nagpahayag ng pagkondena sa insidente ang mga world leader kabilang si Pope Francis.

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *