Thursday , December 26 2024

Papansin si MMDA Chairman Tolentino

00 pulis joeyNATAWA naman ako rito sa hakbang ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.

Pagsusuutin niya ng diaper ang kanyang mga traffic enforcer na aalalay sa prusisyon ng Black Nazarene sa Maynila ngayon.

Maging komportable naman kaya ang traffic enforcer na naka-diaper? Magawa kaya nilang magwewe o dumumi sa diaper? Kung sakali naman, hindi ba papanghe at mangamoy naman sila. Kahiya sa mga makaaamoy. Yak!

Sa pagkakaalam ko kasi ang mga pinagda-diaper lang ay yung mga taong wala nang kakayahan o hindi na alam sa kanilang sarili na sila’y umiihi o dumudumi.

Ang rason ni Tolentino kung bakit pinagda-diaper niya ang kanyang traffic enforcers ay para hindi na umalis sa kanilang puwesto ang mga ito kapag naiihi o nadudumi.

At kulang na kulang daw kasi ang mga portalet para sa inaasahang 15 milyon deboto na sasama sa traslacion ng Poon.

Bakit hindi dagdagan kung kulang?

Anyway, sa tingin ko ay gimik lang itong tirada ni Tolentino na pinagda-diaper ang kanyang mga tao. Publicity rin nga naman ito. Banner nga ng Police Files TONITE kahapon e. Hehehe… Takbo raw kasing senador si Tolentiti este Tolentino sa 2016. Yun na nga!

Hinaing ng PNP retirees

– Kami po mga PNP retirees (compulsary) humihingi po ng tulong na sana mabigyan kami ng pansin. Kami po mga tapat na nagserbisyo, kaya po umabot kami sa tamang panunungkulan. Ngunit dumaan po ang pasko, kami po umasa ng wala pa ang claim na dapat po makuha namin. Kaya naka-nganga nalang po kami. ‘5-6’ nalang po ang aming panawid sa pang-araw-araw na gastusin at bayad sa ilaw, tubig at iba pang bayarin. Sana po sa tulong ng kolum na ito ay mabigyan ito ng aksyon at mapabilis ang claim na dapat po makuha namin. Maraming salamat po. – 09239969368

“Bata” ni VP Binay kotong sa jeepney at vendors sa Makati

– Report ko po ang kotongan dito sa Guadalupe Nuevo, Makati City,  lalo na sa mga jeepney driver ng Leon Guinto at vendors. Kaya nga po sobrang traffic dito sa amin. Ang humahawak ng koleksyon ay si “Butch” na tao ni VP BInay at “Wado” na kolektor nila ni “Kapitan”. Perwisyo sila! Biro nyo kami ang nagpapakahirap sa araw araw at P5,500 a day ang ibinibigay namin sa araw araw para kay Butch. Yung vendors po malaki rin ang koleksyon sa kanila ni “Kapitan”. Mga walanghiya! Lagi nga yan sila nababanatan ni Ted Failon e. – 0999335….

Kolorum na tricycle nagkalat sa Bulacan

– Report ko po ang pagdami ng mga kolorum na tricycle dito sa bayan ng Balagtas, Bulacan. Na nakikipag-agawan ng kita sa mga ligal na miyembro ng mga TODA dito araw-araw. Humigit-kumulang sa 500 ang mga iligal na tricycle na ito na pumapasada rito sa may kabayanan ng Balagtas. Hindi manlang umaaksiyon rito ang mga kapulisan at mga opisyal ng TODA para hulihin at pagbawalang pumasok itong mga kolorum kaya malaya silang nakakakuha ng pasahero. Makarating sana ito sa COP dito na si Voltaire Rivera at PDBSTODA Pres. Roberto Alcaraz, PATODA Pres.  Junior de Umania at IBBTODA Pres. Bong Suntay. Gumawa na sana sila ng paraan na mawala itong mga kolorum na parang mga kabute na nagsulputan sa mga lansangan ng Balagtas. – Concerned citizen

Ang tricycle ay nasa kontrol ng local government. Kung pahihigpitan ng alkalde ang pagbiyahe ng mga kolorum na  yan, hindi yan makakabiyahe.

Ang advise ko naman sa mga may-ari ng kolorum, kunan nyo na ng permit sa City Hall o Munisipyo ang tricycle ninyo para makapaghanapbuhay kayo nang maayos at hindi makotongan ng mga gagong lispu!

Bakit ginawang tindahan ang Mehan Garden Plaza sa may Manila City Hall?

– Tanong lang po kay Mayor Erap: Bakit ginawa nang mga tindahan ang Mehan Harden Plaza sa Arroceros St., gilid ng Manila City Hall tulad ng Baywalk? Ang pangit po kasi tingnan. – Glen Edralin, 09206047…

Hindi na po kasi pinahahalagahan ng kasalukuyang administrasyon ang mga plaza sa Maynila. Pinaglalagyan na nila ng vendors. Pati Baywalk nga binaboy na, nilagyan na ng perya! Puro pagkakakuwartahan nalang ang iniisip ng mga gagong opisyal dyan sa City Hall!!!

Talamak ang bentahan ng shabu sa Laguna

– Mr. Venancio, talamak po ang bentahan ng shabu dito sa amin sa Laguna, sa baryo Canlubang, Asia 1. Marami nang mag-asawa ang nag-aaway dahil sa droga dito. Wag nalang po ilagay ang numero ko.

Team leader ng anti-drugs sa Iloilo nagpapabenta ng droga

– Report ko po dito sa amin sa Iloilo, ang team lader ng PAIDSOTF ang utak ng mga tulak ng shabu dito. Ang mga nahuhuli nila ay muli nilang ipinabebenta. Kaya walang pagkaubos ang droga rito. Dapat tutukan ito ng PDEA o NBI. Don’t publish my number. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *