Mga amateur na Senador
hataw tabloid
January 8, 2015
Opinion
ITO ang analysis ng political observers sa nakaraang pagbanat kay Vice President Jejomar Binay ng kating- kating mga senador na sina Koko Pimentel, Peter Cayetano at Antonio Trillanes kuno ay mga ill-gotten wealth ng nasabing opisyal. Halos ibato na nila ang buong kitchen sink para gibain nang todo-todo si VP Binay. Aminin man at hindi, nasaktan din si Binay sa mga banat sa kanya na pinangunahan ng talunang politikong sina dating Makati Vice Mayor Mercado at Atty. Bondal, kapwa talunan sa nakaraang election sa siyudad.
Lubhang matitindi ang banat pero kaya lang mahirap patunayan kung halimbawa mang totoo, nasaan ang paper trail, hindi naman puwedeng pulos allegation. Ito ay bibilhin ng taong bayan, but in the long run magtatanong din ang mga knowledgeable na political observers at analysts ng ganito “Where is the smokin’ gun?”
Hindi naman tatanggapin maging ng Ombudsman kahit pa siya ay perceived na bias laban sa kampo ni Binay kung kulang sa substance tulad na lang ng 350-hectare na hacienda sa Batangas. Wala iyong smoking gun kahit nandoon pa ang nasabing hacienda.
Pero sa observation ng mga political analyst, masyadong maaga iyong pasabog kuno ng mga talunan na mga lokal na politikong sina Mercado at Bondal. Kung ito raw ay pinasabog sa kalahatian ng taon na ito in the run-up to 2016 presidential elections baka kagatin pa ng mga botante.
Tulad ngayon, may banta na naman na may pasabog pa silang bomba kuno laban kay Binay. Pero iyong pinakamalalakas na allegation nila inuna na, pagpapakita nila na kaya nilang gibain politically si Binay. Momentarily lang na nayanig si Binay. Fully recovered na. Ibig bang sabihin ire-recyle nina Trillanes, Pimentel at Catyetano na pawang may mga ax to grind against Binay (e di mas lalo na sina Mercado at Bondal). Malabo nang kagatin ito ng mga botante na hindi naman mga TAN-G-A.
Truly the handiwork of amateurs in politics.
Arnold Atadero