Friday , November 15 2024

PNoy pupunta sa Romblon sa Biyernes

00 pulis joeyINAABANGAN na ng aking mga kababayang Romblomanon ang pagdating ni Pangulong Noynoy Aquino sa lalawigan sa Biyernes.

Nasa Romblon na nga ang advance party ni PNoy na sakay ng BRP Pangulo ng Philippine Coast Guard.

Wish ng mga Romblomanon, makita ni PNoy ang mga sirang tulay lalo na sa Espanya, San Fernando at mga bako-bako na kalsada ng “marble country.”

Ang Romblon ay isa sa poorest province sa bansa sa kabila na sagana ito sa mga likas-yaman partikular sa marble at maraming puwedeng gawing resorts o beaches para maging sentro na rin ng turismo.

Sa pagdalaw rito ni PNoy, sana ay maisama niya ang kanyang DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson, at maipaayos ang mga tulay at kalsada para maengganyo ang mga kapistalista na mag-invest sa lalawigan.

Malaki ang maitutulong rito ni kaibigang Asec. Rey Marfil na tubong Romblon at best friend ni PNoy.

Kabayang Rey, pakiikot mo nga si Pangulo sa mga lugar sa atin na dapat i-develop.

Mr. President, pls help our province…

Montenegro Shipping Lines laging overloaded ang barko

– Mr. Venancio, tama po yung pinablis sa kolum nyo. Yang Montenegro Shipping Lines grabe yan. Ganyan ginagawa nila sa Dapitan City to Dumaguete City overloaded lagi, approved ng coastguard na makabiyahe. Walang e-ticket yan sila. – 09103308…

Totoo ito. Madalas nga overloaded ang barko ng Montenegro. ‘Yung barko nila na biyaheng Tablas-Odiongan laging overloaded, ang mga pasahero siksikan, kung saan-saan na lang natutulog kasi walang teheras. Pinalulusot ito ng Coast Guard sa Odiongan at maging sa Batangas. Grabe!

LSM Builders ‘di nagpapasahod

– Report namin itong company namin na LSM Builders. Kasi isang buwan na kaming ‘di pinasasahod, simula Christmas saka New Year, hanggang ngayon wala parin. – 0922663….

Cutting trip ng mga jeep biyaheng Novaliches-Blumentritt

– Report ko po yung mga jeepney na biyaheng Novaliches-Blumentrit, puro sila cutting trip. Hanggang Sangandaan lang sila, sa halip diretsong Blumentrit. Ang daming pasahero pinahihirapan nila. Wag nyo nalang po ilagay ang buong numero ko. – 0905704….

Totoo ito. Ang katuwiran naman kasi ng jeepney driver ay sobrang trapik sa Blumentrit dahil puno ng vendors ang kalsada. Kaya hanggang Sangandaan lang sila, umiikot pabalik. Ito ang dapat ayusin ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). Ang problema ay baka may timbre na rin sa kanila ito.

Droga sa mga barangay sa Bacolod City

– Good noon Mr. Venancio, dito sa Bacolod City ay grabe na talaga ang droga rito ngayon. Kung matapang kang barangay kapitan, may tongpats ka. Kung bahag ang buntot mo, wala kang pakialam sa droga ,pati na ang mga kagawad. – 0912918….

Simula yata maging mayor ng Bacolod City si Monico Puentevilla ay lumala na ang droga sa lungsod na ito. Bakit kaya?

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *