Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Ex ng live-in partner

00 Panaginip

Gud pm poh Señor,

Npnaginipan q poh ung babae n hnd q p nki2ta s buhay q nung dun p aq s pinsan q nki2tulog my my guy n nnli2gaw s akin at un ay kzamhan q s work nging live in partner q poh xia. . .my pinakita xiang dting pic2r ng misis nia n kasal cla pero 7 year’s ng patay cnbi q s knya n nagpakita s akin yang babae n yan s panaginip q nung hnd p kmi nagsa2ma myroon din poh kcng kinasama ung live partner q bgo p poh aq 4 year’s cla nun month of july lng cla ng opisyal n magkahiwalay tzka aq n ang kinakzma nia at mag 3 tree month’s n aqng pregnant. . .noh po b? Ang interprt ng panagip q. . . ilan buwan q n rin kc iniicp kung bkt nagpakita xia s panaginip q poh. . .ano poh b ang ibig sbhin nun. . .wag n lng poh ninyo i publish ung cp # q. . .plz!!! antai q ung answer ninyo senior s HATAW every day poh aq n reader ninyo tnx’s. . .

 

To Anonymous,

Ang panaginip mo ukol sa dating misis ng kinakasama mo ngayon ay maaaring may kaugnayan sa iyong insecurity sa inyong relasyon at sa iniisip mong nararamdaman o feelings sa iyo ng kalive-in mo. Posibleng ito ay dahil sa pagbubuntis mo rin at gumugulo sa isipan mo ang kinabukasan ninyo ng iyong magiging anak. Sa pagkakataong ito, dito mo mas malalaman o masusubok ang totoong hangarin at damdamin sa iyo ng ka-live-in mo o ng lalaking magiging ama ng anak mo.

Ang ukol naman sa pictures o photographs, nagsasaad ito na mayroong relasyon na kailangang bigyan ng atensiyon. Maaaring dahil hindi mo tinitignan sa mas malalim na punto ang ugat ng problema o isyu. Alternatively, maaaring nagsasaad din ito na ikaw ay kumakapit pa rin sa nakalipas o sa mga maling pag-asa na inilalagay mo sa iyong isipan. Timbangin mabuti ang mga desisyong may kaugnayan sa pakikipagrelasyon, kung mabuti at tama ba ito o kung lalong magbibigay lang ito sa iyo ng sakit at pagdurusa.

Ang panaginip ukol sa patay ay maaaring babala na may kaugnayan sa mga negatibong bagay at tao sa paligid mo na labis na nakaka-impluwensiya sa iyo. Ikaw ay nakikihalubilo sa maling grupo ng mga tao at ito ay maaaring magbunga ng material loss.

Señor H.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …