NAKATAKDANG ilatag ng bagong hirang na Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin ang kanyang plano para sa national basketball team sa kanyang pagbabalik sa bansa pagkatapos ng pagbisita niya sa kanyang pamilya sa New Zealand.
Ayon kay Samahang Basketbal ng Pilipinas Search Committee chairman Ricky Vargas, nakatakdang bumalik sa Pinas si Baldwin sa Enero 16.
Sa kasalukuyan ay wala pang ibinibigay na pangalan si Baldwin kung sino ang magiging miyembro ng kanyang coaching staff pero matunog na ang pangalan ni TnT head coach Jong Uichico na isa sa papangalan niya.
Samantala, kinompirma ng IMS Payroll Hawks ng National Basketball League na hindi na nga babalik sa kanila si Baldwin bilang head coach ng team sa susunod na season ng liga.