Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amazing: Brazilian nakapagmaneho habang may nakatarak na kutsilyo sa ulo

010715 stab head drive

DALAWANG oras na nakapagmaneho ang isang Brazilian man patungo sa ospital habang may nakatarak na kutsilyo sa kanyang ulo makaraan masaksak sa isang party.

Maswerteng hindi tinamaan ng 30cm-long blade ang kaliwang mata ni Juacelo Nunes na tumagos sa kanyang bibig patungo sa kanang bahagi ng kanyang panga, ayon sa ulat ng G1 news website.

“The knife passed through several nerves and veins, structures that can quickly kill a patient,” ayon kay Gilberto Albuquerque, director ng ospital sa Teresina.

Inalis ang kutsilyo mula sa ulo ng biktima at ibinigay sa pulisya na nag-iimbestiga sa kaso, pahayag ng doktor sa G1.

Idinagdag niyang ang 39-anyos biktima ay mabilis na nakarekober.

Si Mr. Nunes ay tinamaan din ng dalawang tama ng saksak sa lalamunan, balikat at dibdib nang pagsasaksakin habang nakikipagtalo sa isang party sa Agua Branca, mahigit 60 miles mula sa Teresina, sa northeastern Piaui state.

Ayon sa motorcycle taxi driver, nagkaroon siya nang mainitang pakikipagtalo sa isang lalaki na tumawag ng tatlong kasama para siya ay atakehin.

“I did not see the moment of the stabbing, but at no time fainted and remained conscious even with pain,” aniya.

“I thought I would die and only came to believe when I saw what happened to me, because if someone told me I would not have believed it.”

Aniya, nabigla ang kanyang misis nang makitang may nakatarak na kutsilyo sa kanyang ulo.

“I did not believe when I saw my husband like that,” ayon kay Francisca Pereira. “I thought he was going to die. It was a miracle.” (ORANGE QUIRKY NEWS)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …