Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB mahirap na kalaban — Compton


010615 pba alaska smb

NGAYONG nilampasan na ng Alaska Milk ang Rain or Shine sa semifinals, paghahandaan ngayon ng Aces ang kanilang sagupaan kontra San Miguel Beer para sa titulo ng PBA Philippine Cup.

Noong Linggo ay tinapos ng tropa ni coach Alex Compton ang Elasto Painters sa kanilang serye sa semifinals sa pamamagitan ng 79-76 panalo sa Game 6 sa Mall of Asia Arena.

Pagkatapos ng laro ay sinabi ni Compton na kung nahirapan nang husto ang Aces kontra Elasto Painters ay mas mahihirapan ang kanyang mga bata kalaban ang Beermen na mahaba ang kanilang pahinga pagkatapos na walisin nila ang Talk n Text sa kabilang serye sa semis.

“(Junmar) Fajardo is awesome. They have the last two MVPs and a coach that I played under before in coach Leo,” wika ni Compton. “They have been the best team this conference and it’s really tough playing them. I’m proud of coach Leo kasi yung mga teams na dating hinawakan niya, hindi gaanong malakas. But I’m a bit worried because he’s such a good coach and he has a lot of players who can be in the national team.”

Sa eliminations ng Philippine Cup ay tinalo ng Alaska ang SMB, 66-63, ngunit mula noon ay halos dinomina ng Beermen ang liga sa pangunguna nina Fajardo at Arwind Santos kaya kitang-kita sa semis ay hindi makaporma ang Tropang Texters sa ilalim.

Ito ang unang beses na maglalaban sa finals ng Philippine Cup ang Alaska at SMB pagkatapos ng 12 na taon.

Noong 2002 ay natalo ang koponang dating hawak ni Tim Cone kontra sa Coca-Cola.

Samantala, umaasa si Compton na magpapatuloy ang pagratsada ni Dondon Hontiveros sa finals.

Dating manlalaro ng SMB si Hontiveros bago siya napunta sa Alaska at sa Game 6 kontra ROS ay naisalpak niya ang dalawang sunod na tres upang makuha ng Aces ang kalamangan at hindi na nila ito isinuko pa.

Magsisimula ang best-of-seven finals ng Alaska at SMB bukas sa Smart Araneta Coliseum simula alas-siyete ng gabi.

(James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …