Harap-harapan o garapalan na naman tayong ‘nilansi’ ng Commission on Elections (Comelec) kakontsaba ang kompanyang Smartmatic para makopo nila ang ‘refurbishing’ o repair ng 82,000 units ng precinct count optical scan (PCOS) voting machines na gagamitin sa May 2016 presidential election.
Mismong sa bibig ni retarded ‘este’ retiring Chairman Sixtong ‘este Sixto Brillantes, Jr., lumabas na mayroong ‘hanging concerns’ pero ipinursige nila ang awarding ng kontrata.
Mantakin ninyong ‘yung nag-iisang araw (Disyembre 29) na mayroong pasok bago magsara ang 2014 ‘e nakapagdesisyon ang en banc sa botong 5-2 pabor sa Smartmatic?!
What the fact!?
Napakasipag n’yo naman, Chairman Sixtong este Sixto…
Sana ganyan kayo kasipag sa mga nakabinbing usapin d’yan sa Comelec.
Bakit hindi kayo naging masipag sa pagresolba doon sa sinasabing ‘hanging concerns’ para naging malinis ang en banc decision.
Hindi katulad ngayon dahil sa kanilang minadaling (midnight deal?) en banc decision, nagdeklara ang mga nagpoprotesta na hindi umano sila papayag na mai-award nang tuluyan sa Smartmatic ang P1.2-B refurbishing contract na ‘yan.
Ang hindi nga natin maintindihan talaga d’yan, ang haba ng mga nagdaang panahon tapos nadesisyonan 11th hour pabor pa rin sa Smartmatic?!
Magkano ‘este ano ba talaga ang rason, Chairman Sixtong este Sixto Brillantes?
Malapit ka nang magretiro sa Pebrero… totoo bang ‘yan ang legacy mo sa Comelec at ‘pa-baon’ naman para sa inyong tatlo nina Commissioners Yusoph at Tagle?!
Pakisagot na nga ho, Chairman Brillantes!