KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang isang misis makaraan pagsasaksakin ng kanyang mister sa bayan ng Parang, Maguindanao kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Hermilda Tonatos, 50, habang suspek ang asawang si Apolinario Tonatos, 50, residente ng Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao.
Sa imbestigasyon ng Parang PNP, magkasamang nag-inoman ang mag-asawa at nang malasing nagkasagutan na nagresulta sa madugong insidente.
Agad sumuko ang suspek na si Apolinario na nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Parang PNP.