Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

So kampeon sa Nevada

101414 Wesley So chess

NAG-IWAN ng magandang alaala si super grandmaster Wesley So bago natapos ang taong 2014, ito’y ang pagsungkit ng titulo sa katatapos na 24th Annual North American Open chess championships na ginanap sa Bally’s Casino Resort sa Las Vegas, Nevada.

Tumarak ng dalawang tabla at isang panalo si World’s No. 10 player So (elo 2770.7) upang masiguro ang pagbulsa sa US$9,713.00 na premyo sa event na ipinatupad ang nine rounds swiss system.

Draw ang laban ni So kina GM Xiangzhi Bu (elo 2691) ng China at GM Julio Becerra (elo 2546) ng Florida, USA sa rounds 7 at 8 habang kinaldag niya si GM Tsegme Batchuluun (elo 2525) ng Mongolia sa last round matapos ang Queen’s Gambit.

Lumikom ang 21-year old So ng eight points mula sa seven wins at dalawang draws kung saan ay isa’t kalahating puntos ang lamang niya sa apat na GMs na nakasunod sa kanya.

Nagsalo sa second to fifth place sina GMs Bu, Becerra, Alex Yermolinsky at Vladimir Georgiev na may tig 6.5 points at nakopo nila ang tig $2,314.00 na premyo.

Ang nasabing tournament ay may sa 95-player na inorganisa ng Continental Chess Association.

Apat na beses nagkampeon ngayong taon ang Minnesota-based So kaya umalagwa ang kanyang elo rating at mapalapit sa inaasam na top 5 sa World Rankings bago matapos ang taong 2015.

Si So na lumipat sa United States Chess Federation (USCF) ay sumulong ng piyesa sa prestihiyosong event, ang Capablanca Memorial tournament Havana, Cuba para hablutin ang korona.

Binigyan din ng karangalan ni So ang bansang Pilipinas ng magkampeon ito sa ACP Golden Classic in Bergamo, Italy, noong July at sa Millionaire Ches Open sa Las Vegas noong October kung saan ay ibinulsa nito ang pinakamalaking premyo na $100,000.

Samantala, nakatakdang lumaban si So sa 2015 Tata Steel Chess Championship sa Wijk ann Zee, Netherlands sa darating na Enero 9-25.

Ang torneo ay ang pinakamalakas na lalaruan ni So sapul ng maglaro siya sa international competitions dahil kalahok dito ang world champion na si GM Magnus Carlsen ng Norway.

Bukod kay Carlsen ang ibang kasali ay sina GMs Fabiano Caruana ng Italy, Levon Aronian ng Armenia, Anish Giri ng the Netherlands, Maxime Vachier-Lagrave ng France, Radoslaw Wojtaszek ng Poland, Teimour Radjabov ng Azerbaijan, Baadur Jobava ng Georgia, Liren Ding ng China, Vasilly Ivanchuk ng Ukraine, Ivan Saric ng Croatia, Hou Yifab ng China and Loek van Wely ng the Netherlands.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …