Monday , December 23 2024

Sino si Floyd sa hinaharap?

00 kurot alex

KINUKUNSIDERA sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. na pinakamagaling na boksingero sa kasalukuyang panahon.

Nasa pareho silang dibisyon pero mukhang hindi magkakaroon ng kaganapan ang minimithing laban ng dalawa.

Sa kasalukuyan ay pinilipilit ikasa ang bakbakan ng dalawa at ginagawang lahat ng kinauukulan ang masusing negosasyon pero masyadong maraming demands si Floyd na nakakaantala ng realisasyon.

Kung sakaling hindi nga natuloy ang laban ng siglo, ano nga ba ang sasabihin ng mga boxing fans sa hinaharap. Ano ang magiging pala-palagay nila kung bakit nga ba hindi natuloy ang nasabing bakbakan?

Dito papasok ang “legacy” ng dalawang boksingero sa mga future boxing fans.

Sa dalawang boksingero—sino nga ba ang titingalain nang husto at sino ang pagdududuhan ang kalidad?

Tama si Frank Lotierzo ng [email protected] nang sabihin nitong si dating 6-division title-holder Oscar De La Hoya ang may kredibilidad na magsalita kung ano nga ba ang magiging kredibilidad naman nina Pacman at Floyd sa pananaw ng mga darating na henerasyon.

Bukod sa nakalaban ni De La Hoya ang dalawang boksingero na pareho siyang tinalo, hindi maitatatwa ang malaking kontribusyon niya sa boksing para lalong sumikat ang sport.

Ayon kay De La Hoya, mas kikilalanin ng mundo ng boksing si Pacquiao higit kay Mayweather. Ikaniya, mas mataas ang magiging respeto kay Manny kesa kay Floyd.

“There is no doubt about that,” pahayag ni De La Hoya. “With Manny Pacquiao they are going to say ‘wow, he fought all these guys, fought tough battles and gave us all these fights.’

“Who has the better legacy, Pacquiao or Mayweather?” tanong ni Oscar sa kanyang pagtatapos.

Maging ang mga supporters ni Mayweather ay duda na rin sa kalidad ng kanilang iniidolo. Sabi nga ng isang boxing scribe na dating tagapagtanggol ni Floyd—kung hindi lalabanan ni Floyd si Pacquiao…iyong bagay na iyon ang matatandaan ng lahat ng nagmamahal sa boksing hindi yung pinangangalagaan niyang walang-bahid-talong ring record.

Ayon sa mga eksperto sa boksing, ang pagiging undefeated sa larangan ay hindi magiging batayan para tanghalin kang “the greatest.” Tingnan n’yo nga naman si dating heavyweight champ Rocky Marciano na nag-iwan ng 49-0 noong 1955 pero hanggang sa kasalukuyan ay pinagtatalunan pa rin ng mundo ng boksing kung sino nga ba sa mga nakaraang boksingero ang puwedeng iupo sa pedestal bilang pinakamagaling na boksingero sa lahat ng panahon.

Dahil hindi rin matatawaran ang ipinakitang bagsik ng mga sumusunod na boksingero sa pananaw ng boxing fans. Nariyan sina Sonny Liston, Bob Foster, Muhammad Ali, Joe Frazier, Carlos Monzon, Roberto Duran, George Foreman, Marvin Hagler, Larry Holmes, Alexis Arguello, Sugar Ray Leonard, Aaron Pryor, Salvador Sanchez, Michael Spinks, Thomas Hearns, Julio Cesar Chavez, Lennox Lewis, Roy Jones and Bernard Hopkins at marami pa.

Tama ang kasabihan sa boksing na walang kahulugan ang pagreretiro ng walang talo dahil hindi tinitingnan iyon ng kasaysayan.

Tingnan mo nga naman sina Liston na natalo ng apat na beses, si Ali na yumuko ng limang beses, si Frazier na nasilat ng apat na beses, si Foreman na nagiba ng limang beses, pero nananatiling mataas ang respeto sa kanila ng mundo ng boksing.

At tiyak…iyon ang magiging kaibahan ni Floyd na maiiwang legacy sa larangan ng boksing.

Sina Pacman, Ali, Foreman, Frazier at iba pa…nag-iwan ng talo dahil nilabanan nila ang kapwa warriors sa ring na naghahangad na subukan ang hangganan ng kanilang kalidad.

Samantalang si Floyd—pinangalagaan niya ang walang talong record at iniwasan ang naghahamong puwersa na posibleng sumira sa kanyang walang-bahid talong ring record.

 

 

Alex L. Cruz

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *