Hello s u Señor,
Bkit kea npangnip ko tungkl s buhok, tapos po ay npgod ako kea ngyaya nman ako manghuli ng isda, then nagicng na ako bgla e, sana paki intrprt po ito.. kol me Jhake.., tnksx dnt post my cp#!
To Jhake,
Ang buhok ay may kaugnayan sa sexual virility, seduction, sensuality, vanity, and health. May kaugnayan din ito sa attitude. Ang pag-alis o pagputol ng buhok ay nagsa-suggest na ikaw nakararanas ng kawalan ng lakas o kaya naman, pakiwari mo ay may gustong pumigil sa mga nais mong gawin, sabihin, o isipin. Alternatively, maaaring ito ay senyales na gusto ng nananaginip na baguhin o pag-isipan ang ambisyon at mga bagay na gustong mangyari sa kanyang buhay at alisin ang mga hindi kailangang pananaw sa buhay at pag-uugali. Ang literal na interpretasyon din nito ay nagsasabi ng pagiging concern hinggil sa itsura at imahe niya.
Kapag nanaginip na nanghuhuli ng isda, ito’y posibleng may kaugnayan sa paglabas ng isa o ilang bagay na nasa ilalim dati o ng mga bagay na inililihim. Kung nanaginip naman na kumakain ng isda, ito’y simbolo ng iyong beliefs, spirituality, luck, energy at nourishment. Ito ay sagisag ng pagkain para sa kaluluwa. Kapag nanaginip ka naman na niluluto mo ang isda, ibig sabihin ay isinasama mo ang bagong katuparan na inaasam para sa iyong ispiritwal na damdamin at kaalaman. Naghahangad ka ng katuparan ng mga mithiin o pangarap, subalit dapat na magsikap mabuti at dagdagdan ang tiwala sa sariling abilidad o kakayahan. Kailangan din na huwag maging padalos-dalos sa mga gagawing desisyon, lalo na iyong napaka-importanteng mga bagay.
Señor H.