NAKA-last trip sa taong 2014 si IM Oliver Dimakiling matapos sumungkit ng kalahating puntos sa eight at final round upang hiranging kampeon sa katatapos na 6th Gov. Amado T. Espino Jr. Cup Open Chess Tournament (Open division) na ginanap sa Lingayen, Pangasinan.
Nangailangan ng kalahting puntos si Dimakaling (elo 2419) upang itarak ang seven points sa event na inorganisa ng LGU Pangasinan at Pangasinan Chess League.
Si top seed GM Oliver Barbosa (elo 2540) ng Rizal ang nakalaban ni Dimakiling sa huling round.
Bago ang tabla sa round eight, kumadena ng apat na panalo si Dimakiling mula round four hanggang seven.
Pinisak nito sina Fidel Labuanan, NM Alcon John Datu (elo 2265) ng Quezon City, Mark Prince Aquino (elo 2184) ng San Nicolas, Pangasinan at IM Haridas Pascua (elo 2330) ng Mangatarem, Pangasinan sa rounds 4, 5, 6 at 7 ayon sa pagkakahilera.
Anim na woodpushers ang magkasalo sa second to seventh places tangan ang tig 6.5 pts. ito’y sina Barbosa, Pascua, Datu, IMs Emmanuel Senador (elo 2368) ng Manila at Paulo Bersamina (elo 2362) ng Pasay City at NM Emmanuel Emperado (elo 2250) ng Las Piñas City.
(ARABELA PRINCESS DAWA)