Saturday , November 16 2024

Feng Shui: Positibong chi pag-ibayuhin

00 fengshui

NAIS mo bang mapag-ibayo pa ang enerhiya sa inyong bahay upang magkaroon ng positibong chi at upang dumating ang mga oportunidad sa iyong buhay? Narito ang ilang tips at teknik para makabuo ng positibong kapaligiran na magpapaibayo sa kalusugan, maghihikayat ng pag-asenso at pagmamahal.

*Space cleaning. Ito ay energetic cleaning ng space sa pamamagitan ng Chen Pi Purification Space Cleaning method. Ito ay ginagamitan ng fresh orange peel at aged dried tangerine skin, na tinatawag na Chen Pi, na mabibili sa Chinese medicine at food stores. Ang method na ito ay maaaring magdulot ng dramatic improvement sa energy sa inyong kapaligiran.

*Life Energy. Isa sa pinakamura at pinakaepektibong paraan upang ang lugar ay maging tahanan ay sa pamamagitan ng pagdaragdag ng life energy katulad ng buhay na halaman, sariwang bulaklak at masarap na prutas. Tu-mingin sa higher-end catalogs at home magazines. Mapapansin mong mayroong isa sa tatlong ito sa bawa’t larawan.

*Pets. Ang pagkakaroon ng pets ay magpapataas sa chi sa bahay o lugar. Ang kanilang kilos, ingay, at e-nerhiya ay maaaring magpa-circulate sa chi sa espasyo at makatutulong sa pagpapagalaw sa stagnant o hindi gumagalaw na enerhiya.

*Lights. Ang simpleng pagdaragdag ng ilaw sa espasyo ay makatutulong hindi lamang para sa pagpapabuti sa espasyo kundi sa kung ano ang mararamdaman mo sa lugar na ito. Ikonsidera ang paglalagay ng lights on a timer upang ikaw ay i-welcome sa iyong bahay habang ikaw ay papasok sa pintuan sa gabi at pansinin kung ano ang iyong magiging pakiramdam. Ito ay maaari rin i-display sa labas ng bahay upang mapataas ang chi energy.

*Magpakunsulta sa Feng Shui: Isa rin method ang pagpapakunsulta sa professional consultant na makatutulong sa iyong mapag-ibayo ang enerhiya sa lugar upang makapag-focus at ma-adjust ang iba pang mga aspeto katulad ng pagtugon sa visible factors habang nirerepaso at iwinawasto ang invisible aspects ng lugar. Sa pa-mamagitan nito, mararamdaman mo ang pagbabago ng iyong pakiramdam sa lugar, at makararanas ng mataas na level ng enerhiya at oportunidad.

*Spiritual vi-sits: Base sa iyong relihiyon, maaari ka rin magkonsulta sa religious leader o spiritual master upang maanalisa o mabasbasan ang lugar.

*Pagpapalit ng kulay. Sa pagpapalit ng kulay sa space ay maaari rin magbago ang iyong pakiramdam sa lugar. Maaari rin itong magkaroon ng positive impact hindi lamang sa espasyo, kundi gayundin sa mga naninirahan, at maging sa labas o sa mga kapitbahay sa paligid.

*Pagbisita ng mga kaibigan. Nais mo bang makadaloy ang chi at mapakilos ang mga bagay? Ikonsidera ang pag-imbita ng mga kaibigan sa bahay para sa isang salo-salo. Ito ay maaaring maghikayat ng positibong enerhiya na papasok sa lugar at magpapasigla sa enerhiya ng espasyo.

*Musika. Maaaring gumamit ng sound para ma-bulabog ang stagnant chi. Ito ay maaaring gawin sa simpleng palakpak ng mga kamay, pagpapatugtog ng musical instruments, paggamit ng Tibetang singil bowls o pagkalimbang sa space clearing bells.

 

ni Lady Choi

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *