Wednesday , December 25 2024

‘Di sangkot sa traffic incident si Cadete “Choy” Cataluna

00 pulis joeyNAGING laman kahapon ng backpage ng Police Files TONITE ang isang Cadete na si “Choy” Cataluna ng Tondo, Manila.

Sa ulat ng aming reporters na sina German Roque at Andi Garcia mula sa blotter ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) na ang imbestigador ay si PO3 Jayjay Jacob, sinasabing si Cadete Kris Antonel “Choy” Cataluna kasama sina Antonette Cataluna, Wendell Austria at barangay officials ng Brgy. 96 Zone 8 ay sangkot sa pananakit sa isang truck driver/operator na si Danilo Cronos, 43-anyos, ng Vitas, Tondo.

Sa reklamo ni Cronos, Biyernes ng 11:00 ng gabi sa kanto ng kanto ng Ugbu at Velasquez sts., nakasakay daw sa motorsiklo sina Austria, Kris at Antonette nang bigla siyang harangin ng tatlo at umakyat sa truck si Kris at binugbog siya (Cronos).

Pagkatapos nito ay pumunta si Cronos sa barangay kasama ang tatlo, kung saan ang mga nakaharap nila ay si Kagawad Junior Santiago at mga tanod na sina Shiela Santos, Nestor Espenal at Jhune Tordena ng Brgy. 96.

Sa kanyang salaysay sa pulisya, sinabi ni Cronos na pinagtulungan pa raw siya sa barangay at nawala pa ang kanyang P10,000.

Sa huling paragraph ng news, nakalagay na kaya hinarang ng tatlo ang truck ni Cronos ay dahil pagewang-gewang ito at muntik silang banggain.

Sa text sa akin si Kris Antonel, hindi raw nila ginulpi o binugbog ‘yung driver (Cronos). “Muntik na po niya ako sagasaan sa kanto ng Capulong at Velasquez St. Kasama ko po anak, ako at yung Wendel Austria. Hindi ko po angkas si Choy (ang Cadete). Nung sinisita ko yung driver kung bakit siya dire-diretso at halos mabangga na kami at pinapatabi para tumawag ng barangay or pulis ay bigla siya kumaripas ng takbo along Velasquez. Hinabol ako at pinakiusapan ko yung jeep na huwag muna umandar para huminto yung trak dahil ipapa-blotter namin. Kung wala yung jeep hindi siya mapapahinto. Pinapababa siya, hindi siya bumaba. Dumating ang barangay, hindi pa rin bumaba. Pumunta si Choy ng presinto uno (MPD PS1) para humingi ng police assistance. May dumating na mobile, dun palang siya bumaba. Pero inendorse kami ng pulis sa barangay. Sa barangay, matapos ang mahabang tanungan dahil hindi siya sumasagot eh humingi rin siya ng tawad. Tapos ang issue, hinatid pa siya ng barangay patrol pabalik ng truck niya. Hindi na kami napunta ng presinto dahil naayos na sa barangay. Tapos kami na muntik madisgrasya kami pa ang masama.”

Hindi sa kinakampihan ko itong mag-utol na Antonel at Choy, pero kilala ko ang pamilya ng mga batang ito. Matitinong tao ito at mga mapagkumbaba. Kaya naniniwala ako sa kanilang paliwanag. At lilinawin rin natin, si Kris Antonel ay hindi si Choy. Si Choy ay si Antonio at wala raw siya sa lugar nang mangyari ang insidente.

Kaya ang advise ko sa kanila ay magsadya sa MPD-GAIS, isama ang apat na barangay officials, para magbigay ng kanilang mga salaysay kontra sa reklamo ni Cronos.

Aba’y kawawa naman itong si Choy na idinamay. Graduating pa naman ito sa academy. Kilala ko ang batang ito, disiplinado at mabait. Magiging mahusay na opisyal ito paglabas ng academy. Mabuhay ka, Tinyente!

Reklamo laban sa sekyu sa Quiapo

– Reklamo ko po itong security ng simbahan, lagi nanghuhuli sa akin. Vendor po ako ng Quiapo. Mabait po si Capt. at si Monsi sa mga vendor. Ito lang po ang hanapbuhay ko para sa 4 kong anak. Itong security po ng simbahan may puwesto po sya sa mga lumpo at wala po syang permit. Masyado syang garapal sa pera. Gusto nya sya lang kumita. – 09336516…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *