Aries (April 18-May 13) Perpekto ang araw ngayon para sa pagresolba sa mga isyu sa pamilya.
Taurus (May 13-June 21) Ano man larangan ang pasukin ngayon, tiyak na marami ang susuporta sa iyo.
Gemini (June 21-July 20) Kapag pinili mo ang partikular na pag-aksyon, manatili rito ano man ang mangyari.
Cancer (July 20-Aug. 10) Nakadepende ka ngayon sa iyong intuition sa pagdetermina sa tamang plan of action.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Magsumikap para sa maayos na relasyon sa mga miyembro ng pamilya.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang tsansa para sa tagumpay ay higit kung may kasama sa pagsusulong nito.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Bunsod ng iyong kakayahan at talento, higit mong makukuha ang atensyon ng iyong boss.
Scorpio (Nov. 23-29) Ang iyong mga plano ay tiyak na magiging positibo ang resulta kung pagtutuunan ito ng pansin.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ang bagong mga problema ay mas madaling mareresolba kung pagtuuunan ng pansin.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Posibleng makatagpo mo ang iyong katapat sa iyong katigasan ng ulo.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Huwag nang pairalin ang pride kung kailangan mo ng tulong.
Pisces (March 11-April 18) Magiging perpekto ang mga bagay ngayon. Pasirit ang iyong enerhiya.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ikaw ay nakapako sa pagsunod sa mga panuntunan at patakaran.
ni Lady Dee