MALAKI ang pasasalamat ng isang lalaki sa alaga niyang aso makaraan siyang iligtas mula sa nasusunog nilang bahay sa California.
Sinabi ng lalaki sa Sacramento firefighters, natutulog siya nang gisingin siya ni Buddy, isang chocolate Labrador, gabi ng Huwebes.
Pagkaraan ay nakita na lamang ng lalaki na nasusunog na ang isang bahagi ng kanyang kwarto kaya mabilis siyang lumabas.
Ayon sa ulat ng Sacramento Bee, dumanas ang lalaki ng ‘smoke inhalation’ at napaso ang kanyang mukha.,
Sinabi ni Sacramento Fire Department spokesman Roberto Padilla, hindi nakarinig ang lalaki ng smoke alarm, at walang nakita ang mga bombero na may gumaganang smoke detector sa nasabing bahay.
Aniya, malaki ang naging pinsala sa bahay sa naganap na sunog.
(SKY NEWS)