Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng shui powerful tool sa paghahanap ng love life

00 fengshui

NAGHAHANAP ka ba mga paraan sa paggamit ng Feng Shui upang matagpuan ang true love. Ang Feng Shui ay maaaring maging powerful tool na makatutulong sa paghahanap ng boyfriend o girlfriend. Ang Feng Shui, ay tungkol sa pag-align ng iyong outer world at kapaligiran – ang iyong tahahan, apartment o office place – sa iyong inner goals. Maraming mga paraan na makatutulong sa iyo sa paghahanap ng iyong soul mate.

Ang may kompyansang tao ay higit na attractive. Sino ba ang iyong pipiliing i-date? Ang mahiyaing tao na bihirang magsalita sa party, o ang vibrant personality na masiglang nakikisalamuha at napangingiti ang bawa’t isa? Ang pangalawa ay may kompyansa, at ito ang higit na attractive.

Sundin ang tatlong tips sa paggamit ng Feng Shui para mapalakas ang kompyansa.

*Isabit sa mataas na lugar ang mga salamin – ngunit huwag masyadong mataas. Ang salamin na nakasabit malapit sa pinto o sa iyong entryway sa tamang taas (upang makita mo ang iyong mukha) ay magdudulot sa iyo ng kompyansa tuwing umaga.

*Lumabas at mag-ehersisyo. Ang katawan ang susi sa self-confidence. Kung maganda ang iyong pakiramdam sa iyong sarili at iyong katawan, ang enerhiya ay masasalamin dito. Maaari kang makapaglakad nang nakataas ang noo, may ngiti sa mga mata at may enerhiya at tibay na makisalamuha sa iba. Ilista ang isang bagay na iyong magagawa kada linggo upang maging masigla at malakas ang katawan, at maging sexy.

*Paligiran ang sarili ng magagandang bagay. Kung ikaw ay naninirahan sa bahay o apartment na iyong ipinagmamalaki at ini-enjoy ang iyong pag-uwi araw-araw, magiging mainam ang iyong pakiramdam. Tiyaking ang mga kwarto ay maluwag at mahangin, at sapat ang espasyo para sa pagdaloy ng chi. Paligiran ang sarili ng magagandang bagay at nagpapagaan ng iyong pakiramdam, hindi kailangang mamahalin ng mga ito. Ang sariwang mga bulaklak ay mainam na paraan upang ipabatid sa sarili ikaw ay mahalaga nang hindi na gagastos pa ng malaking pera.

Ang mga ito ay napatunayan nang epektibong Feng Shui tips na magpapalakas ng iyong kompyansa. Kung sapat ang iyong kompyansa, ikaw ay mapupunta sa mainam na lugar upang matagpuan ang iyong magiging boyfriend o girlfriend.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …