Wednesday , December 25 2024

What a new year of Pnoy Gov’t

00 aksyon almarSA ENERO 4, 2015 ay magiging P11 na ang pasahe sa MRT 3 at LRT 1 at LRT 2. Iyan ay para lang sa sinasabing minimum fare. Ibig sabihin ay hindi lang P11.00 ang dagdag kundi higit pa kasi magdadagdag pa ng P1.00 kada kilometro.

Ayos na pamasko ito sa mananakay ng MRT at LRT ha o pa-bagong taon ni Pangulong Noynoy Aquino sa mahihirap na mananakay.

Palibhasa ay hindi mananakay ng MRT at LRT ang karamihan sa opisyal ng gobyerno lalo na ang Pangulo kaya, madali lamang sa kanila na ipairal ang pagtaas ng pasahe sa Enero.

Ano pa man, wala tayong magawa na naman nito kundi sumunod sa inaprubahan ng Pangulo na nagsasabing BOSS niya ang mamamayan. Isa palang panggagago ang pagtawag na BOSS sa mamamayan.

Kung totoong BOSS mo ang mamamayan, pakinggan mo ang UTOS nilang huwag itaas ang pasahe. Aba’y kung kailan bumaba ang produktong petrolyo saka naman magtataas ang pasahe sa MRT at LRT. Walanghiya talaga naman!

Anyway, sabi ng nakararami okey lang naman sana kung itaas ang pasahe pero sa nakikita at masamang patuloy na nararanasang kalbaryo ng mananakay, napapanahon ba ang ‘panghoholdap’ na ito?

Tinutukoy natin ang pasilidad at maintenance ng MRT at LRT. Napakasama! Kumbaga, tila hindi sulit ang ibinabayad ng mananakay kahit sabihin pa ng gobyerno na lugi ang MRT at LRT sa pasaheng P15.

Sabi ng gobyerno dapat daw kasi P60 ang pasahe noon pa na ang P45.00 ay sinasagot na ng gobyerno sa pamamagitan ng sinasabing subsidy. Pero paano naman matitiyak ng mamamayan na inaabonohan ng gobyerno ang sinsabing P45. ‘Di po ba? Hanggang ngayon wala naman ipinakikita sa mamamayan na listahan ng ginawang pag-abono sa pasahe ni Juan dela Cruz.

Ngunit ano pa man, higit na nakabubuti siguro na ipagpaliban muna ng gobyerno ang panggigipit sa mananakay ngayon at sa halip ay pagtuunan muna nila ang pagkumpuni sa MRT at LRT na lagi namang nagkakaaberya na nagiging sanhi ng pagka-late sa pagpasok sa trabaho ang maraming manggagawa.

Kayo ang BOSS KO iyan ang sabi ni PNoy pero hindi naman niya sinusunod ang UTOS ng kanyang mga BOSS. Kaya isa lang ang ibig sabihin nito, isang pambobola lang ang ginawa ng speech writer niya noon para mabenta ang Pangulo.

Ang galing talaga ng PR group ni PNOY. Galing ninyo magbenta.

Pero batid naman ng mamamayan na isang papoging slogan lang iyon at hindi makatotohanan.

Ngayon kung talagang totoo, makinig ka PNOY sa mga sinasabi mong BOSS. Pakinggan mo ang utos nilang huwag munang magtaas ng pasahe at sa halip kumpunihin muna ang mga aberya sa MRT at LRT. Oo ‘pag naayos na ito, sige magtaas ka na ng pasahe kahit P60 pa para wala nang subsidy mula sagobyerno.

Maraming salamat Boss JSY

Nitong nakaraan Sabado, December 20, 2014, idinaos ng aming pahayagan, HATAW (JSY Publication) ang tradisyonal na Christmas Party bilang paggunita sa Pagsilang ng Panginoong Hesu Kristo para sa Sanlibutan.

Wow…oo mapapa-wow ka sa inihanda ni Boss Jerry Yap na mga pa-raffle sa kanyang mga kawani o sa amin. Walang umuwing luhaan sa raffle na nag-second round pa.

Yes, bukod nga sa raffle ay siyempre, umulan din ng bonuses. Maraming salamat Boss.

Ngunit, ang higit na nakatutuwa at nakatataba ng puso sa party ang pagkakaisa ng lahat. Nandoon pa rin iyong walang kupas na pagmamahalan ng bawat kawani.

Bakit? Iyan kasi dahil sa leadership ng aming mapagpakumbabang BOSSING.

Oo may bossing ka na, may kaibigan ka pa.

Hindi kasi ipinadarama ni BOSS JERRY na bossing siya kundi ipinapantay niya lang ang kanyang sarili sa amin na kanyang mga kawani.

Maraming salamat uli SIR Jerry.

Nga pala sir, salamat din sa suporta niyo sa QCPD Press Corps. Mabuhay kayo.

Madame Glo, maraming salamat din sa iyo.

Boss JSY, Merry Christmas to you and to your family. God bless you all.

Mabuhay ang HATAW.

Mabuhay ang DYARYO PINOY.

Mabuhay ang JSY Publication.

Panginoong Maraming salamat po uli.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *