Wednesday , December 25 2024

Sino ang kumikita at dapat managot sa pambababoy sa Manila Baywalk?

00 Bulabugin jerry yap jsySA PAMAMAGITAN ng SMS, nagklaro sa inyong lingkod ang isang empleyado ng Manila Tourism na pinamumunuan ni Ms. Liz Villazeñor kaugnay ng tinalakay nating pambababoy at pagsalaula ngayon sa Manila Baywalk.

Kaya nga talagang ‘it’s more fun on the Philippines’ dahil ang dinarayong Manila Bay perfect sunset ng mga lokal at dayuhang turista ay tinabunan ng mga bar at food stall na hindi maipaliwanag kung saan itinatapon ang kanilang mga dumi.

Hindi lang po bar and food stalls, meron pang peryahan de sugalan.

What the fact!?

Ayon sa concerned tourism employee hindi sila ang responsable sa pagbibigay ng permiso para sa nasabing stalls sa Manila Baywalk.

Pero dapat umano ay dumaan iyon sa kanilang tanggapan para sa beripikasyon.

At sa katotohanan, wala raw po silang ano mang impormasyon kaugnay nito.

Aniya, nang mabasa niya ang ating kolum, agad siyang nakipag-ugnayan sa parks director at sa permit director pero wala pa raw po siyang natatanggap na kasagutan ukol dito.

Sa katunayan raw po, hindi lang ang Bulabugin ang tumawag sa kanyang pansin kundi maging ang ilan pang mga kasamahan natin sa media.

By the way, no’ng nag-text po si concerned employee e inaasikaso naman daw nila ang nalalapit na pista ng Poong Nazareno at ang kasunod na pagdating ng Santo Papa.

Tsk tsk tsk …

‘Yan po ang madalas na idinaraing sa atin ng ilang taga-Manila City Hall, sa plano at sa trabaho komi-komite ang assignment, pero kapag kitaan na, “KAMI-KAMI-TE na lang.”

In short, ang kalakaran ngayon sa Manila City Hall hilahod sa trabaho ang masisipag pero pagdating sa kitaan, hilahod ulit sila sa bukulan.

‘Yun lang!

Doble tara na sa MPD PCP Plaza Miranda!

ANG hinaing ngayon ng mga vendor sa Plaza Miranda, akala nila komo Pasko ‘e kikita sila nang doble sa rami ng mga mamimili.

Pero mali ang kanilang akala.

Dahil hindi kita ang nadoble kundi tara.

Sabi ng mga vendor, ang lulupit ng mga lespu ngayon d’yan sa PCP Plaza Miranda. ‘Yun bang parang hindi nila nararamdaman ang malamig na simoy dahil pirming maiinit ang ulo tuwing umo-orbit sa kanila.

Ayaw tumanggap ng ‘single’ ang gusto doble ang tara dahil sa holiday season.

Sr. Insp. Anicete, paki-check na nga ‘yung mga bata-batuta mong kolektong d’yan sa PCP Plaza Miranda.

MPD D/D Gen. Rolando Nana, mukhang mahigpit ang pangangailangan ng mga lespu ninyo d’yan sa Plaza Miranda.

Paki-check na nga po!

NAIA Terminals walang special lane para sa PWDs and Senior Citizens  

MAPUROL ba talaga ang batas sa bansa natin lalo na kung ito ay para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng proteksiyon gaya ng mga senior citizen at people with disabilities (PWDs)?!

Naitatanong po natin ito dahil sa nakita nating kahabag-habag na kalagayan ng mga senior citizen at PWDs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Wala po kasing special lane o courtesy lane para sa mga senior citizen at PWDs ‘e ‘di lalo na para sa mga buntis.

Nakikita natin kung gaano kahirap ang dinadanas ng mga senior citizens sa haba ng pila sa mga airline counter.

Sa kabila na ang bansa natin ay mayroong ipinaiiral na mga batas gaya ng Republic Act No. 9994

(An act granting additional benefits and privileges to senior citizens, further amending Republic Act no. 7432, as amended, otherwise known as — An act to maximize the contribution of senior citizens to nation building, grant benefits and special privileges and for other purposes) para sa senior citizens at Republic Act 10070 (A law establishing the institutional mechanism to ensure the implementation of programs and services for persons with disabilities (PWDs) in every province, city and municipality, as envisioned by RA 7277 or the Magna Carta for Disabled Persons) para naman sa PWDs, ‘e hindi natin makita sa lahat ng NAIA terminal na ipinatutupad ito kahit man lang sa pagkakaroon ng special lane sa mga senior citizen, PWDs at isama na ba ang mga buntis.

Malaki ang pangangailangan ng special lane para sa kanila sa NAIA lalo na sa mga airline check-in counter.

Sabi nga ng isang mambabatas noon, ang mga batas na tinukoy natin sa itaas masyadong ‘vague’ o maligoy dahil hindi man lang tinukoy dito kung ano-ano ang mga espesyal na pribilehiyo ng mga senior citizen at PWDs.

Kaya lalong hindi malinaw kung ano ang kaparusahan sa mga establisyementong lalabag sa nasabing batas. Kumbaga walang deterrent, lumabag man ang isang estbalisyemento dahil hindi naman nakalagay doon na pwedeng tanggalan ng lisensiya, sa propesyon man o sa negosyo, kapag nilabag ito.

Kaya naman tinatawag natin ang pansin ng butihing Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Jose Angel “Bodet” Honrado na siya mismo ang manguna sa paglalagay ng special lane para sa senior citizens, PWDs at isama na po ang buntis sa mga Airline at Immigration counter.

Naniniwala tayo na kapag nagawa ni GM Honrado ang bagay na ‘yan ‘e hindi na malilimutan ‘yan at magiging legacy pa niya ‘yan sa NAIA.

And eventually … isa rin siya sa mga makikinabang n’yan.

Puwede n’yo na pong simulan ‘yan, ‘di ba GM Bodet Honrado?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *