CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang buwan gulang na sanggol makaraan pasabugan ng granada ang headquarters ng USAFE sa Brgy. Baloy, Tablon nitong lungsod kamakalawa.
Ayon kay Brgy. Tablon Kapitan Romeo Bacarro, inihagis ng mga salarin ang granada sa loob ng USAFE compound.
Nasira ang inuukupang silid ng pamilya Denancio at namatay si Baby Audrey.
Ayon kay Bacarro, lubos ang kanilang pagkalungkot sa pangyayari at kinondena ang nasabing insidente.
Hindi pa nakikilala ang suspek, ayon sa Cugman Police Station