Friday , November 22 2024

Pagpapapogi ni Garcia, masakit sa mga empleado ng SBMA

00 Abot Sipat ArielPUMAPALAG na ang libo-libong empleado ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa Su-bic Freeport Zone sa Olongapo City dahil kung ilang taon na silang humihingi ng umento kaya nanawagan sa kaagad na pagpapatupad ng Sa-lary Standardization Law (SSL), ang batas na nagtatakda sa basehan ng suweldo sa mga manggagawa ng gobyerno.

Kinumpirma ni SBMA Director Philip Camara sa pakikipagpulong sa ibang ibang grupo ng mga empleado ng SBMA na nakatalaga sa iba’t ibang departamento ang kanilang petisyon sa lupon na payagan ang kaagad na implementas-yon ng SSL.

Nabatid na nagsampa na si Camara at ang iba pang direktor ng SBMA na naghahangad ng reporma ng resolusyon nitong Disyembre upang makatanggap ng umento simula Enero, 2015 ang 1,376 regular na empleado ng SBMA at 1,436 empleado na nasa Contract of Service (CS).

Nabatid na noong 2011, buong pagkakaisang nagpasa ang mga direktor ng SBMA ng 10 porsiyentong umento para sa mga empleado ng ahensiya ngunit hindi ito inaksiyunan. Nababahala ngayon ang mga empleado na hindi na naman ito aksiyunan ni SBMA Chairman Reynaldo Garcia kahit may board resolution sa katwirang kailangang hiwalay na aprubahan ng Department of Budget and Management o ni Pangulong Aquino ang naisabatas nang dagdag sa minimum wage.

Sabi nga ng ilang empleado ng SBMA: “Nalaman namin na ilang board members tulad ni Camara ay naniniwalang dapat ipatupad ang SSL pero iba ang rason ni Garcia na iginigiit na kai-langan pa itong aprubahan ni Pangulong Aquino at ng DBM kaya patuloy itong nade-delay. Self-sustaining agency ang SBMA na maaaring pondohan ang umento kaya hindi namin maintindihan kung bakit pinatatagal ni Garcia ang isyung ito sa kanyang termino na ang suweldo ng taga-SBMA ay 40 porsiyentong mababa sa minimum wage na itinakda sa SSL.”

Idinagdag pa nila na mahigit limang taon na mula nang makatanggap ng umento sa minimum wage ang mga empleado ng SBMA kaya na-ngangahulugang noong 2009 pa ito. Himutok nila: “Hintay kami nang hintay pero wala kaming nakukuhang adjustments nitong nakaraang limang taon sa aming minimum wage gayong pataas nang pataas ang presyo ng mga bilihin at iba pa na-ming pangangailangan. Napakaliit ng suweldo namin kumpara sa mga pribadong kompanya ga-yong mas marami kaming ginagawa pero napakababa ng aming kita sa mandatong minimum wage sa ilalim ng Salary Standardization Law.”

Idinagdag ng SBMA employees na madalas ipangalandakan sa media ni Garcia ng gumagawa ng rekord na kita ang ahensiya at ito ang na-kikita nilang sanhi kung bakit idine-delay ang pagtupad sa SSL para lamang “magpapogi” sa Malakanyang pero inaapi naman ang mga empleadong pinagkakaitan ng wastong minimum wage.

Dagdag nila: “Nilikha ang SBMA para lumikha ng mga trabaho at masuportahan ang mga komunidad sa paligid ng Subic Freeport at hindi upang mag-ambag ng malaking kita sa gobyerno para lamang magpapogi sa Malakanyang. Nagpapasalamat pa rin kami sa suporta ng SBMA board na nakikita ang patuloy na ipinagkakait sa amin ni Garcia.”

Ang masama, may narinig akong tsismis sa aking mga kamag-anak sa ‘Gapo na aktibong-aktibo itong si Garcia para suportahan ang kandidatura ni Vice President Jejomar Binay sa halalang pampanguluhan sa 2016.

Aba, baka ginagamit na ni Garcia ang pondo ng SBMA para kay Binay, hindi pa natutunugan ng Malakanyang kasi “pogi” sa kanila ang SBMA chairman. Ehem!

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *