PATAY ang isang notoryus na hitman-holdaper sa ikinasang raid ng Quezon City Police District (QCPD) sa Brgy. Pinyahan, kahapon ng umaga.
Ayon kay Supt. Limuel Obon, pinaputukan sila ni alyas Totoy Bite kaya sumiklab ang enkwentro at napatay ang suspek.
Narekober ang dalawang kalibre .45 baril ng suspek.
Habang arestado ang anim na iba pa sa naturang raid sa lugar ng informal settlers na malapit lamang sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bahagi ng Agham at NIA Road.
Kabilang sa dinampot ang sinasabing girlfriend ni alyas Totoy Bite.
Nahulihan sila ng drug paraphernalia.