Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bus, taxi at tricycle, gumagamit ng krudo at gasolina kaya…

00 aksyon almarMALAKING kaginhawaan hindi lamang sa mga drayber ng mga pampasaherong sasakyan ang patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo kundi maging sa mga pribadong motorista…at kamakailan lang maging sa mga pasahero ng jeep dito sa Metro Manila matapos aprubahan ng LTFRB ang kahilingan ng commu-ters na ibaba ng piso ang pamasaheng P8.50 sa P7.50.

Aprubado na ito at iniimplementa na. Ayos ang buto-buto. Maraming salamat LTFRB.

‘E paano naman ang mga pasahe sa mga pampasaherong bus dito sa Metro Manila, krudo rin ang gamit ng mga sasakyang ito. Hindi ba dapat din ibaba ang pamasahe este pasahe rito? Wala po akong nakikitang dahilan para hindi ibaba ang pasahe sa bus.

Jeep o bus, kapwa gumagamit ng shabu ang mga drivers nito este, ang bus pala ay guma-gamit ng krudo. Kaya, dapat rin pag-aralan ng LTFRB na ibaba na rin ang pasahe sa bus.

‘E krudo nga lang ba ang bumaba? Hindi, kundi maging ang gasoline. So, alam n’yo na si-guro ang ibig kong sabihin.

Hindi na kailangan na mayroon pang maghain ng reklamo sa LTFRB bago kumilos ang pamunuan ng ahensiya dahil kitang-kita na ang ebidensiya.

Yes, dapat na rin ibaba ang pasahe sa taksi. Hindi lamang ang flat rate ang ibaba kundi ang bawat patak.

Kung ako nga ang tatanungin, dapat ang taksi ang inuna dahil maraming manunubang driver ng taksi. Marami sa kanila ang tado. Labanang kontrata ang kanilang gusto lalo na ngayong magpa-Pasko.

Kaya hayun dahil sa sobrang kagulangan ng mga driver hanggang ngayon, ganoon pa rin sila. Akala siguro nila ikayayaman nila ang panloloko sa kapwa. Ang masakit nito, pambisyo lang naman nila ang kanilang kinikita sa paraang ‘marumi.’

Pero gusto kong linawin, hindi naman lahat ng taksi drayber ang ‘tado…may mga matitino rin lalo na ang mga drayber na nagsasauli ng mga naiwang kagamitan sa kanilang taxi ng kanilang mga pasahero . Batid ko ito sa araw-araw na pakikinig sa programa ni Ginoong Raffy Tulfo tuwing alas dos ng hapon sa Radyo 5. Pak-ner niya rito si Nina Taduran.

Mr. Tulfo, saludo po ang inyong lingkod sa inyong serbisyo sa mga mamamayan. Tunay kang action man. God Bless.

Balik tayo sa pasahe sa taksi. Wala na tayong makita pang dahilan para hindi aprubahan ng LTFRB ang kahilingan ng nakararami sa Metro Manila na dapat din isunod ang roll back ang fare sa bus at taxi…maging ang airfare daw ay dapat din ibaba.

Teka, taksi, bus at jeep lang ba ang dapat… ‘e paano ang mga tricycle? Hindi ba gasoline din ang gamit ng sasakyang ito? Hindi ba malaki rin ang ibinaba ng presyo ng gasoline.

Kaya, ano ang dapat gawin ng pamunuan ng TRU sa bawat bayan at siyudad sa Metro Manila?

‘E ano pa nga ba, kundi dapat din ibaba o pag-aralan na ibaba ang pasahe sa tricycle. Tama!

QC Mayor Bistek Bautista, kayo na nga po ang manguna sa pagbaba ng pasahe ng tricycle sa Kyusi. Maging ito ay gumagamit din ng gasolina.

Hindi po ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …