MARAMI ang nagtatanong sa Bureau of Customs (BoC) Manila International Container Terminal (MICT) kung sino raw po ‘yung tinatawag at sikat na sikat sa laki ng tarahan na si alias Aling TASYA?!
Ibang klase raw ang mga asta nitong si Aling Tasya y Tara na parang reyna na sa BoC-MICT.
Umaalma ang mga broker at stakeholder na kapag sa section niya dumaan ang kargamento nila na kahit wala naman diperensiya ay hahanapan ng butas para maghatag ng malaking tara.
Ok lang naman sa kanila na magbigay ng konting overtime pero huwag naman ‘yun tatarahan sila nang malaki at pinahihirapan pa.
Akala nga nila, nawala na ang ganitong pangit na kalakaran sa BoC-MICT pero may ilan talaga na hindi pa narereporma.
Tsk tsk tsk …
‘Yung tunay na magagaling at nakatutulong sa BoC ay ‘ibinabartolina’ sa CPRO, pero itong si alias Aling Tasya y Tara ay Malaya pang nakagagawa ng kawalanghiyaan sa kabila ng mga repormang ipinatutupad ni Customs Comm. John Sevilla.
Aba, ang balita natin, ‘e maluwag pa ngayon sa Customs Policy and Research Office (CPRO) sa mga katulad ni Aling Tasya… pwedeng-pwede pa siya roon!
Gusto mo bang mairekomenda sa CPRO, Aling Tasya?
Ikaw ang bagay na bagay doon, sabi mismo ng mga kasamahan mo riyan sa BoC-MICT!
Finance Secretary Purisima Sir, kung gusto ninyo malaman ang tunay na pangalan ni alias Aling Tasya, pakitanong na lang sa BoC-MICT Formal Entry SEC. 15 chief PCA Salapantan!