Sexy Leslie,
Bakit po kaya laging gustong makipag-sex sa akin ng nobya ko? Jhun ng Tondo
Sa iyo Jhun,
May mga babae talagang extra hot pagdating sa sex. At siguro magaling ka ring lover kaya ganoon…Ngayon kung hindi mo ito nagugustuhan, libangin ang GF mo sa pamamasyal o kaya ay umiwas na humantong kayo palagi sa pribadong lugar.
Sexy Leslie,
Bakit po kaya virgin pa ako gayong nakaka-20 GF na ako? Takot po kasi akong makabuntis. 0910-2258344
Sa iyo 0910-2258344,
Ikaw na rin ang sumagot sa tanong mo. Anyway, walang masama kung virgin ka pa, at least wala ka pang nasisirang buhay. Kapag nasa tamang edad ka na at sa tingin mo ay handa ka na sa responsibilidad, maaari ka nang makipag-sex pero kung hindi talaga maiwasan, puwede naman ang safe na pakikipagtalik para hindi makabuntis.
Sexy Leslie,
Bakit kaya wala akong hilig sa sex at mas gusto ko pa ang mag-masturbate?
0920-3694921
Sa iyo 0920-3694921,
Bakit nga ba? Baka naman wala kang ka-sex? Aba’y kung ‘yan ang dahilan bakit hindi mo type ang makipagtalik. malaking problema nga ‘yan. Pero kung trip mo lang talaga ang magsarili kaysa may partner, choice mo ‘yan at wala tayong magagawa.