HINIRANG bilang Model of the Year si Cara Delevingne, na kamakailan ay pinasok na rin mula sa pagmomodelo ang pag-aartista at pagdisenyo sa fashion industry.
Isa ang 21-anyos na London-born model sa ‘most recognizable faces’ ng taon 2014—pareho sa daigdig ng fashion at luxury magazine sa mas malawak na pop-culture.
Sa pagtatapos ng taon 2014, nagpatuloy si Cara sa kanyang pagganap bilang ‘mukha’ ng ilang mga Bri-tish stalwart, kabilang ang Topshop, Burberry at Mulberry, at kahit sa kampanya ng Balmain, YSL Beauty at La Perla ay nanguna rin siya.
Sa labas ng kanyang modeling duties, dahan-dahan na rin pinasok ni Delevingne ang mundo ng pagdidisenyo sa paglikha ng isang capsule collection para sa American brand na DKNY.
Ngayon ay nakatrabaho rin niya ang binansagang ‘man-of-the-moment’ na si Pharrell Williams, sa bagong Lagerfeld-directed short film para sa Chanel, at nakipag-duet pa sa sikat na singer sa soundtrack. Bukod dito, kasama rin si Delevingne sa The Face of An Angel ni Michael Winterbottom at Kids in Love ni Chris Foggin.
Pumangalawa at pumangatlo kay Delevingne sa top honors ng mga sikat na modelo sa 2014 ang Tennessean model na si Binx Walton at si Andreja Pejiæ ng Australia.
Kinalap ni Tracy Cabrera