ISINO ang dapat managot sa pagtakas ng isang US fugitive sa kanyang detention cell sa Davao immigration?
Si Douglas Brent Jackson na isang pugante at nakahanda na sanang i-deport pabalik sa Estados Unidos ay nabalitang nakatakas matapos lagariin ang rehas ng kanyang selda.
Dali-daling iniutos ni Commissioner Fred Mison na hanapin ang nasabing pugante para maibalik sa pagkakakulong. Mantakin n’yo huli na, nakatakas pa!?
What the fact!?
Sino ba ang dapat managot dito?
Ang gwardiya (civil security unit) ng Bureau of Immigration (BI) ba o sabit din ang BI Alien Control Officer dahil na rin sa sinasabing command responsibility?
Mukhang nagkakasunod-sunod na naman ang masamang balita sa BI.
BI spokesperson Atty. Elaine Tan, wala ka yatang press release sa isyung ito? News blackout ba?
Siguradong tataas na naman ang presyon ni Madam SOJ Leila Delima kapag nakarating sa kanya ang ganitong klaseng balita!
Tsk tsk tsk!