Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 tulak nakatakas sa shootout (2 tigbak)

022714 marijuana drugsDALAWANG hindi nakilalang drug pusher ang napatay ng mga tauhan ng San Rafael, Bulacan PNP makaraan ma-kipagpalitan ng putok habang nakatakas ang tatlo nilang kasamahan lulan ng Hyundai Starex van sa Viola Highway, sakop ng Brgy. Maroquillo sa bayang ito.

Sa ulat na naitala sa tanggapan ni Supt. Rainel Valones, hepe ng pulisya, pasado 9 p.m. kamakalawa nang mangyari ang insidente makaraan makatanggap ng impormasyon ang pulisya na may tatlong walang plakang motorsiklo ang nakita ng mga residente na nakaparada sa gilid ng daan ngunit nakapagtatakang nakatago sa mga puno at halaman malapit sa tindahan ng mga bisikleta.

Bunsod nito, kumilos ang pulisya at sinita ang mga suspek na kahina-hinala ang kilos ngunit hindi pa man sila nakalalapit ay pinaputukan na sila ng mga suspek.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapatay sa dalawang suspek ngunit nakatakas ang tatlo nilang kasama.

Narekober mula sa dalawang napatay na mga suspek ang dalawang Armscor .38 kalibreng pistola, iba’t ibang mga basyo at bala ng baril, 2 pouches at isang malaking pakete na pinaniniwalang naglalaman ng shabu na hinihinalang ide-deliver sa isang buyer.

Napag-alaman din ng pulisya na ang narekober na Hyundai Stavex van ay nakarehistro sa isang Laurence M. Mangahas, residente ng Brgy. Pulo, San Rafael, Bulacan.

Inaalam pa ng pulisya kung ito ay kinarnap sa nasabing may-ari.

Daisy Medina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …